Chapter 19

6K 84 4
                                    

(Mimi's POV)

     Hello... Namiss niyo ba ang POV ng cute na si ako? Si Miss Author kasi hindi ako masyadong binibigyan ng exposure eh. Just kidding.

     By the way, hindi naman tungkol sa aking lovelife ang POV na ito eh. Kung meron man, well yah all know naman na head over heels ako kay Harvey and up till now ay walang nangyayaring improvement sa amin. Asa naman ako. Pasalamata nga ako at napapansin niya pa ako eh.

     Pero hindi si Harvey ang paguusapan natin ngayon. So much for him, pero btw hindi ko napagkikikita yung mokong na yun lately ha.

    Aiissshhhh ba yan napunta nanaman sa kanya.Balik na nga tayo sa kwento ko. Papauwi na sana ako nun ng biglang tinawag ako ng aking butihing prof.

     "Miss Santos, can you do me a favor? I want you to put my file case inside my car blahblahblah...

    I hate this kind of prof you know? Sobrang nagtitake advantage sa kanilang authority. Do this do that. Duh! Pero dahil sa mabait akong estudyante ay sumunod naman ako. Binigay sakin ni prof yung file case niya at susi na din ng kotse niya.

     I was already in the parking lot and on my way na sa kotse ni prof ng suddenly i saw a very familiar face.

     Si Kayden yun ah? And as far as I remember boyfriend parin siya ng best friend ko. I noticed na may kasama siya and it's not Kitty... Si Sapphire?

     I saw Kayden opened the door of her car for her. And pagkatapos ay siya naman ang pumasok. What is the meaning of this? Is he cheating on my best friend?

     (A/N: Sa mga nagtataka kung paano magdadrive si Kayden eh diba injured "daw"  yung braso niya diba? Well, it seems like it's just like one of his funny jokes para asarin si Kitty)

     Omigash! Omigash! What am i gonna do?

    Umandar na yung kotse nila. Anong gagawin ko? Susundan ko ba sila? Nah! Lagot ako kay prof pag di ko naihatid tong gamit niya sa kotse niya. Pero paano ang best friend ko? Lord help!

   (Kayden's POV)

     Kakatapos lang ng class ko at susunduin ko na dapat si Kitty. Bah gusto kong mag comute ulit ngayon noh! Kahit pa nasa parking lot lang kotse ko.

     Sa mga nagtatanong kung bakit nandun yun, syempre ako yung nagdrive pagpasok kaninang umaga. Alam ko kung anong iniisip niyo. Paano ako nagdrive eh masakit braso ko. Well naniniwala ba kayong kaya ni Kitty na iinjured tong braso ko? Ano siya halimaw?

     Well ganun naman talaga siya eh. Halimaw! Pero gawagawa ko lang talaga yung tungkol sa braso ko para magkaroon ako ng instant alalay at mainis si Kitty. Sarap kayang inisin ng babaeng yun.

(A/N: Well girlfriend mo lang naman yung babaeng yun.)

     Alam ko miss author... pero di din naman magtatagal yun. Hindi din makakatiis sa akin yun at ibrebreak ako noh! Teka? Pano nga pala kung ibreak niya ako? E di wala na akong dahilan para inisin siya?

(A/N: Sus aminin... mamimiss mo din yun)

    Shatttuuupppp ka na nga miss author!!!

(A/N: Aba! Baka gusto mong ikaw ang ishutttuuppp ko habang buhay? Akala mo kung sinong gwapo?Kahit ako hinding hindi papatol sa paguugali mo noh! Pasalamat ka nga ikaw pa ginawa kong bida sa storyang to! Kapal mo mas di hamak na mas naman si Warren sayo! Dapat pala siya nalang ginawa kong love team ni Kitty dito, malamang mas marami pa sigurong nagbasa ng storyang to!)

     Aba! At sinabi ko bang ako ang gawin mong bida sa storyang to? Shattuupp na nga Miss Author di na tayo natapos sa kakaepal mo eh.

(A: Aba't ginagalit ako ng kuto na to ah! Ngayon palang magiisip na ako ng magandang ending... Kung masasagasaan ba si kayden ng ten wheeler truck o mahuhulog sa dagat at kakainin ng mga pating!)

     Miss Author ikaw naman di na mabiro *puppy eyes*

(A: O siya! Ituloy mo na nga lang ang storya na to bago pa ako tuluyang maimbyerna sayo..)

     Nasan na nga ba tayo?

     Dun sa part na pupuntahan ko si Kitty sa favorite spot niya dito sa campus. Yung table sa may puno sa may likod ng school. Dun ko siya madalas mahanap lately eh.

*ring ring

     Sino kaya to? Unknown number eh...

     "Hello who's this??" tanong ko.

(Kayden *crying* please come back to me!!!)

     "Wait!! Sapphire is that you? Are you crying?" tanong ko.

(I can't take this anymore!! I wanna die!!)

     "Are you drunk?"        

(Just a little honey... please comeback!!! I can't take this..)

     "Asan ka?"

(School )

     "Uminom ka sa loob ng skul? Bawal yan.. Asan ka?"

     Ilang oras lang ay nasa parking lot na ako at nakita ko si Sapphire sa loob ng kotse niya. Nakaupo siya sa driver's sit  habang patuloy padin sa paglaklak ng isang bote ng red horse. Umupo nalang ako sa passenger's seat sa tabi niya.

     "Ano bang ginagawa mo? Pag may nakakita sayo dito at ganyan ang ginagawa mo paniguradong headline nanaman yan." sabi ko.

     "It's okay! Wala na din namang patutunguhan tong career ko eh." sabi niya.

     "What do you mean?" tanong ko.

    "See this? No one will ever like me after this!"

     May pinakita siya sa aking dyaryo.

     THE INTERNATIONAL SUPERSTAR SAPPHIRE HIDALGO A SLUT!!!!

     Tapos may naka attach pa na picture ni Sapphire kung saan she is kissing Justin Nickerson, i know him he is one of the most awarded director and producer sa hollywood. Pero alam ng lahat ng he is already married.

     "Is this true?" tanong ko. Hindi to si Sapphire alam kong hindi niya gagawin to para sumikat. She's not like that! Or she was?

     "He told me that if i dated him he will give me a big break. I was not that deperate kaya hindi ako pumayag pero hindi siya tumigil. One time when i was at a bar lumapit siya sa akin, lasing na ako that time that's why she take advantage of me." hindi na niya naiwasang mapahagulgol that time.

     That bastard! Kung alam ko lang na ganito ginawa ko sana ang lahat para mapigilan siyang umalis ng bansa noon! Kahit pa magalit na siya sa akin. Siguro baka masaya pa kami ni Sapphire ngayon at hindi niya napagdaanan yung bagay na yun.

     At that very moment parang natunaw ang lahat ng galit ko kay Sapphire. Yung pinagdaanan ko noon sa ospital, walang wala yun sa pinagdaanan niya. She was almost raped!

     "Buti nalang may kung sinong tumulong sa akin noon." nasabi niya.

     Well I wasn't able to ask her all of that! All i heard from her is crying.

     Napansin ko na she's too exhausted na kaya ako nalang ang naghatid sa kanya pauwi. Langya yang Justin Nickerson na yan! Lulumpuhin ko siya pag nakita ko siya!


---end of chapter 19--- 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now