Chapter 37: Happy New Year!!

5K 80 7
                                    

(Kitty's POV)

      "What is it this time?"

     Sino ba naman kasi to? Ang aga aga ay binubulabog ka sa pamamahay ko. At sa sarili mo pang kwarto.

     "Tito Kayden, nakakatakot si tita."

     Kenji.?

     "Baby baka meron lang yan si tita mo." -Kayden

     Pinanlisikan ko ng mata si Kayden. Pagkatapos biglang nagtago si Kenji sa likod ng tito niya. Natakot ko ata. Sorry...  

     "Baby Kenji? Hala sorry... bakit kayo nandito?" ako

     "Ipapasyal niyo ako ni tito." -Kenji na nakatago pa din sa likod ng tito niya.

     "Tss maligo ka na nga... at ayusin mo yang itsura mo. Baka sabihin nitong pamangkin ko ang pangit pangit ng girl friend ko." -Kayden

     Pag tingin ko sa salamin ay oo nga,mukha akong bruha! No wonder natakot si Kenji sakin. 

     "Antayin ka nalang po namin ni tito sa baba."-Kenji

     Pagkatapos ay lumabas na yung magtiyo sa kwarto ko. Dali-dali akong naligo at nag ayos ng sarili ko. Nakakahiya, nakita pa ako nung bata sa ganung ayos. Si Kayden kasi eh.

     Pagkalipas ng ilang saglit ay nakasakay na kami sa kotse ni Kayden.

    "San tayo pupunta?" tanong ko.

     Pareho kami ni Kayden na nasa harap at si Kenji naman sa likod.

     "Baby... san mo gustong pumunta?"-Kayden to Kenji

      "Disneyland!" -Kenji

     Natawa naman daw ako dun. Pangarap ko kayang makapunta dun.

     "Pero baby... walang disneyland dito sa Pilipinas." sabi ko.

     Nakikibaby na din ako.

     "Alam ko na kung saan tayo pupunta." -Kayden

     "Saan?" ako.

      "Basta."

     Dahil sa medyo napuyat ako kagabi sa kakatapos nung wagas kong assignment ay wala na akong lakas na tanungin pa siya. Natulog nalang ako. Mukha namang malayo yung pupuntahan namin eh.

     Nasa NLEX na kasi kami. Kaya malamang ay lalabas kami ng Manila.

     After a while...

     "Tita Kitty... gising na po!"

     "Hi baby!"

      "Aisst iwanan na nga lang natin yan dito?" -Kayden

     Iwanan? Anong iwanan?

     "Hoy teka! Wag niyo akong iwanan dito!"

     Napatayo ako agad sa pagkakaupo. Nakita ko na naglalakad na yung dalawa palayo. Hala! Iiwan talaga nila ako? Pag tingin ko ay nasa parking lot na kami ng Enchanted Kingdom.

     Saglit muna akong tumingin sa salamin para tingnan yung itsura ko na as usual maganda parin. Naks! 

     "Teka!" hinabol ko na yung dalawa.

     "Iiwanan niyo talaga ako mhine?" -ako sabay pout

     "Tsss para kang bata! Mas isip bata ka pa dito sa kasama ko eh." -Kayden

     Iniwan niya muna kami ni Kenji para bumili ng ticket pagkatapos ay sabay sabay na kaming pumasok.

     Ang ganda ng Enchanted. Ito yung unang beses na nakapunta ako dito at sobrang ganda!

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now