Chapter 3: A date?

8K 102 3
                                    


(Kitty's POV)

     Nandito ako ngayon sa mall at inaantay si Kayden na dumating. Dito sa tapat ng movie house ang usapan namin eh. Actually, 15 minutes and 5 no 6 seconds na siyang late.

     Parang tanga ako dito ngayon habang magkalapat yung dalawang palad ko, I am silently praying na sana siputin ako ng boyfriend ko sa date namin.

     "Sana po dumating siya..." sabi ko habang magkalapat yung dalawang palad ko.

     "Hoy! Babaeng baliw! Anong kabaliwan nanaman yang ginagawa mo ha?"

     Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko si Kayden. Dumating siya!

     "Kayden!" sigaw ko.

     Diko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.

     "Ano ka ba? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh!" sigaw ni Kayden na parang nandidiri sakin.

     Binitawan ko siya with matching pout pa ng lips.

     "Teka! Wag mo sanang isipin na date to ah! Niyaya lang kitang manuod ng sine kasi wala akong makasamang manuod eh. Yun lang yun!" si Kayden.

     "Tara na nga!" hinila ko na siya papunta sa bilihan ng ticket.

     Maganda naman yung movie. No wonder focus na focus tong katabi ko ngayon sa panunuod. Haaay, adik lang sa mga super heroes.

     Madalas niya akong sinasabihan na isip bata pero mas malala nga siya eh. Maya maya ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Kinalabit ko si Kayden.

     "Ano?" medyo naiirita pang tanong niya.

    "Bili kang popcorn." sabi ko.

    "Kita mong nanunuod ang tao diba? Ikaw nalang." sabi niya.

    Pinisil ko nang pagkalakas lakas ang tenga niya.

     "Araaay!" mahina lang na pagkakasabi niya.

     "Sige ka! Hindi ko bibitawan tong tenga mo!" bulong ko pa sa tenga niya.

     "Sige na! Sige na!" sabi niya.

     Natatawang binitawan ko siya. Naiinis na tumayo nalang siya para bumili sa labas. Ano ka ngayon?

     Pagkatapos ay nanuod na ulit ako. Makalipas ang isang oras ay hindi parin bumabalik si Kayden.

     Asan na kaya yung loko na yun? Akala ko ba paborito niya tong palabas na to? 

     Hanggang sa matapos na yung palabas ay wala padin si Kayden. Nasaan na kaya yun?

     Hinanap ko siya sa labas ng sinehan. Wala! Hinanap ko siya sa timezone... wala! Sa gamehouse... wala! Hinanap ko siya sa mga boutique... wala!

     Nalibot ko na ata tong buong mall, but still no sign of him! Para akong batang nawawala kahahanap sa kanya. I tried misscalling him a thousand times pero hindi niya sinasagot. Hanggang sa mapagod na ako at naupo sa isang bench sa mall.

     I stayed there... crying.

     Parang bumalik sa ala ala ko yung nangyari nung bata pa ako.

     "Mama! Bili tayong stuffed toy!" sabi ng batang babae habang nakakahawak sa kamay ng mama niya.

     "Sige anak! Pero bago yun ay may kakausapin lang tayong tao." sabi ni mama.

     Nasa mall sila nun at napakaraming tao nung araw na yun. Maybe because it's christmass eve.

    "Humawak ka ng maigi ha! Baka mawala ka!" sabi nung mama niya.

     Sa di kalayuan ay may nakita siyang nagtitinda ng lobo. Hinabol nung batang babae yung lobo, not knowing na nakabitaw na pala siya sa kamay ng mama niya. Huli na nung napansin yun nung batang babae.

     Hindi na niya makita yung mama niya. Naglakad siya ng naglakad hanggang sa mapagod na siya kakahanap sa mama niya. Naupo na lang siya sa isang bench at umiyak ng umiyak. Doon sa same bench na kinauupuan niya ngayon.



----end of chapter 3------



In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now