Chapter 12: At Sweet Bunnies.... <3

6.4K 92 1
                                    

hello again... ang bilis bilis ng update ko noh!!! lulubus lubusin ko na to ngayon kasi baka next week maging busy na ako sa midterms... ^_____^ thank you po ulit sa mga nagbabasa... 

_______________________________________________________________

Chapter 12: At sweet bunnies <3 <3 

(Mimi's POV) 

     "Wow!" nasigaw ko ng ihain sa harap namin ung strawberry purple ice cream na sinerve samin. 

     "Natutuwa naman ako na okay ka na. Isang ice cream lang pala makakapagpakalma sayo eh." sabi ni Harvey. 

     Hindi naman ako ganun kababaw noh! Nandito nga pala kami ni Harvey sa Sweet Bunnies Cafe, sa tapat lang to ng gate ng school namin. Kinailangan niya kasi akong ilayo kay Kayden... baka daw kasi patulan ako nun eh.

     Hindi ko alam na ganun pala kasama ang boyfriend ng bestfriend ko. 

     "Grabe, ang tapang mo kanina ha! Alam mo bang bukod kay Kitty ay wala pang nakahawak kahit sa dulo ng daliri nun." si Harvey. 

     "Pakialam ko... dapat lang naman sa kanya yun noh!" ako. 

     "Ganun ba kalaki kasalanan niya sayo?" tanong ni Harvey. 

     "Actually wala naman talaga siyang kasalanan sakin. Sa bestfriend ko malaki!" ako. 

     "Bestfriend? You mean Kitty?" si Harvey. 

     Ohhhh mmmyyyy he knows na ako yung bestfriend ni Kitty??? WTF Is this heaven??? 

     "Yah!!" 

     Speaking of Kitty... kailangan ko nga palang icheck if shes okay. Ano na kayang nangyari dun? Kinuha ko yung phone ko then I dialed Kitty's number.

     "Hello Kitty!!! Are you alright bhessy??" ako. 

     Narinig ko yung pagsinghot niya... don't know if she's crying or sinisipon lang.

     "Yah... I'm okay!" sabi niya. 

     "Nasaan ka?" 

     "Don't worry!! I'm with Warren, iuuwi niya na ako." sabi niya sa kabilang linya. 

     "Ganun ba?" 

     "Ikaw na bahala magpalusot sa mga teachers at kay papa ha." sabi  niya. 

     "Yah, don't worry! Ako na ang bahala... magpahinga ka na ha!" sabi ko. 

     "Sige." 

     "Bhye,"

     Then I hang up the phone, 

________________________________________________

(Harvey's POV) 

     "Hello Kitty!" 

     Hello kitty?? Is she talking to that cat? Hehehe just kidding... I know it's Kitty.

     "Are you alright bhessy? Nasaan ka?.... Ganun ba?.... Yah ako ng bahala... magpahinga ka na ha!...Bhye..." sabi nung bestfriend ni Kitty na si Mimi bago niya binaba yung phone. 

     Yeah i know her classmates ko siya back in high school... and best friend naman siya ni Kitty. Maliban doon ay wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.

     "Si Kitty yung kausap mo kanina diba?" tanong ko. 

     "Yah!!" 

     "Is she okay?? May problema ba siya??" tanong ko. 

     "NO she's not okay... wanna know why? Bakit di mo itanong sa boyfriend niya." sabi niya. 

     Si Kayden? Hindi naman na bago yun. Ang nakakapagtaka lang ay bakit kailangan pang yung bestfriend ng gf niya ang komompronta sa kanya? Malamang malaki ang kasalanan ni Kayden, at bakit sinabihan niya si Kitty sa phone na magpahinga na siya? Did something happened to her? 

(A/N: Haayyy... ang dami namang tanong nito!) 

     Sorry miss author na carried away lang... by the way, 

     "Ano nga palang nangyari kay Kitty?" tanong ko. 

     Sumeryoso yung mukha niya... then bumalik nanaman yung look na yun sa mga mata niya.... para bang the dark side of her. 

     "Umamin ka nga sakin." sabi niya. "Alam mo ba na hindi seryoso si Kayden sa bestfriend ko? At hanggang ngayon ay mahal padin niya yung lintik na ex niya?" 

     Ngayon alam ko na kung bakit... mukhang alam na ni Kitty. Pero paano? Sino ang nagsabi? 

     "So alam na niya?" tanong ko. 

     "So alam mo all this time? Pero wala kang ginawa para pigilan yung kaibigan mo?"siya. 

     Yumuko lang ako... i feel guilty and sorry for Kitty at the same time.

     "I'm sorry... pero knowing Kayden. Hindi yun nagpapapigil. Now he is stuck.!" sabi ko. 

     "Buti lang sa kaibigan mo yun..." tumayo na siya.

     Bago pa siya umalis... 

     "Siya nga pala pag nagkita kayo ng kaibigan mo... pakisabi sa kanya na if something happened to my bestfriend mananagot siya sakin." 

     Kinuha niya yung baso na may laman paring natunaw na ice cream... akala ko ay uubusin niya yun but it ended up in my head...

     WTF... binuhos niya sa ulo ko! What was that for?

    "At pag nakita mo siya pwede bang gawin mo sa kanya yan." sabi niya. 

    Pagkatapos ay umalis na siya, weird...

---end of Harvey's POV---


(Mimi's POV) 

     Ohhhh emmmm! What did I do? 

     Na carried away kasi ako kaya ayun.... naglanding yung ice cream ko sa ulo ni Harvey. Ano bang pumasok sa isip mo Mimi!!

     Binuhusan ko ng ice cream sa ulo yung crush ko. Ano ba yan! Ngayon nga lang kami nag kausap ng ganito pagkatapos ganun pa ginawa ako.

     What a fool Mimi!!

     Napansin ko na nakatingin yung mga ibang babae sa paligid namin... bukod kasi kay Kayden ay isa din itong si Harvey sa mga hearthrob ng skul.

     "At pag nakita mo siya pwede bang gawin mo sa kanya yan??" sabi ko pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas.

     Bumalik na ako sa school... pero kabado parin ako. Shucks! Ano ba kasing katangahan yung nagawa ko?? 

     Naammmaannnn!!!! 

     Pagkatapos nung huling klase ko ay nagmamadali na akong lumabas ng campus. Mahirap na baka makasalubong ko pa si Harvey eh. ago umuwi ay dumiretso ako sa bahay nila Kitty.

     Doon kami sa kwarto niya nag usap... doon kasi sa bahay nila nakatira si Warren at ayaw niyang malaman nito yung tungkol sa pinagdadaanan niya. Doon na naibuhos ni Kitty ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

     Bago ako umalis ay ako na ang nagpalusot kay Warren na may sakit lang si Kitty kung sakaling magtaka ito kung bakit nakakulong sa kwarto ang bestfriend namin. Haaaayyyy...

     Kung nakita niyo lang si Kitty... siguradong maaawa din kayo dun! Kahit naman kasi away sila ng away sila ni Kayden.... mahal niya padin yun. Yun nga lang hindi ganun yung nararamdaman sa kanya ng nakakainis na lalaking yun.

---end of chapter---


In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now