Chapter 30: Kitty vs Sapphire (Part 1)

5.5K 76 4
                                    

(Kitty's POV) 

     "Mhine." -KitDen 

     Shit nagkasabay pa kami. Kinakabahan ako, kasi ngayon ko lang maririnig yung reaksiyon ni Kayden sa ginawa ko kanina. Sobrang nakakahiya yung ginawa ko ha. To think na hindi naman talaga ako nakanta. 

     First time ko yun na ginawa, at para pa sa isang lalaki. Naku, ewan ko nalang kung hindi niya pa maappreciate yung effort ko noh!

     "Mhine... thank you?" -Kayden

     Tama ba dinig ko? Ang mapride na si Kayden?

     "Grabe, ang cute talaga nila!" -girls

     May mga napadaan na babae sa harap namin. Kami ba sinasabihan nila? Hindi naman siguro.

     "Kitden na ako, forever and ever." sabi pa nung isa. 

     Kitden daw oh. So hindi nga kami yung pinaguusapan nila. Sino ba yung Kitden na yun? Ang cute daw eh.

     "Tsss" -Kayden

     "Grabe, hindi ko akalain na nagawa mo yun. Pero ang cute pala ng boses mo." -Kayden

     Wahhhh ang cute daw ng boses ko!

     Nandito nga pala kami sa isang ice cream parlor sa labas ng school. Ito yung malapit sa open field. Remember? Dito naging kami ni Kayden. 

     "So ano sa tingin mo?" ako na patuloy sa paglafang ng ice cream. 

     Hindi ko siya tinitingnan dahil busy ako sa ice cream and nahihiya ako sa kanya. Bakit ba? Sa nahihiya ako eh!

     "Pwede na."-Kayden

     "Pwede ng ano?" tiningnan ko siya.

     "Pwede ng mahalin..." 

     Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ano daw sabi niya? Pwede ng ano-?


(Sapphire's POV) 

     Grabe talaga! Napakadisperada naman niya. Kinantahan pa talaga niya si Kayden sa harap ng maraming tao. 

     What a pitiful creature.

     "Excuse me ate," 

     Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa akin na isang batang babae. From the way it looks, mukhang mas bata to sa akin ng isang taon. Magalang eh. 

     "Bakit?" walang galang na tanong ko.  

     "Pwede po bang humingi ng favor sa inyo? May musical play po kasi ang theatre club sa opening ng Christmas party dito sa school at nangangailangan po kami ng singer. Baka pwede pong... kayo yung maging star namin?" 

     "Duh! Alam niyo bang mahal ang bayad sa akin? Saka hindi ako nagpeperform sa isang pipitsuging play lang." -ako

     "Ganun po ba?" lumungkot yung mukha niya. 

     "Sige po." 

     Umalis na yung kaawa awang nilalang. Kaawa awa siya dahil na timingan niya na masama ang mood ko. 

     "Andiyan na ang Kitden." may nagsalitang babae sa likod ko. 

     Duh! Ano naman daw kayang pangalan yun? Kadiri! Ganun ba kasikat yang kitden na yan at pinagtitinginan? Mas sikat pa kesa sakin? Duh! Sapphire Hidalgo here excuse me. 

    "Excuse me po?" narinig ko nanaman yung boses nung babaeng kumalabit sa akin kanina. 

     "Yes?" 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now