Chapter 48: Walang Kwentang Update, pasensiya na...

4.5K 57 0
                                    

(Kitty's POV) 

     "Good morning!" 

     Bati ko sa kanila pagpasok ko ng kusina. Ba't nandito nanaman to? 

     "Gising ka na pala Kitty, halika maupo ka na sa tabi ni Sapphire at magumagahan na." sabi ni Ninang.

     Yeah, you heard her right. Nandito si Sapphire sa bahay namin at kasalo namin sa umagahan. Naupo nalang ako sa tabi niya. No choice yun lang yung bakanteng upuan. 

     "Bakit nandito po siya?" tanong ko na tinutukoy ko ay si Sapphire. 

     "Well, namiss ko lang kasi yung boy friend ko." -Sapphire

     "Ang sweet mo talaga hija. No wonder at nagustuhan ng anak ko." sabi ni Ninong. 

     Plastic! Artista eh kaya magaling umarte eh alam ko naman na nagpapanggap lang siya eh. 

     "Dad naman." sabi ni Warren. 

     "Pasensiya ka na diyan sa dad ko babes ha." baling niya kay Sapphire. 

     Errrrrkk! Ano daw? Babes? Ewww! 

     "Ano kaba? Okay lang yun babes." 

     Okay, nakakadiri na.

     "Ammm Kitty? Kung gusto mo sumabay ka na kila Sapphire at Warren pagpasok tutal naman ay iisa lang yung school niyo." sabi ni Ninang. 

     "Naku! Hindi na po kailangan ninang, susunduin naman po ako ng boy friend ko eh." sabi ko. 

     "Ganun ba?"

     "Maiba nga pala tayo ng usapan, kailan mo ba ipapakilala samin yang boy friend mo? Gusto ko ng makilala ang anak ni Grace eh." sabi ni Ninang. 

     "Naku ninang, makikilala niyo din po yun soon. Tutal naman ay madalas naman yun dito sa bahay eh." sabi ko.


(Sapphire's POV) 

     "Babes? Yuck! Sino ang nagbigay sayo ng pahintulot na tawagin akong babes?"

     Okay. Nandito na kami ngayon sa may gate. At kaming dalawa nalang nitong fake boy friend ko. 

     "Sorry naman, naisip ko lang kasi na dapat may endearment tayo diba?" -Warren

     "Sa dinami rami ng endearment bakit yun pa kasi? Ano ako baboy?" 

     "Wag kang mag alala. Maganda ka pa rin kahit mag mukha kang baboy." sabi niya sabay kindat bago sumakay ng kotse niya.

     "YOU!-" 

     Natigilan ako ng marinig kong magbukas yung gate at iluwa nun ang isa pang nakakainis na tao sa buhay ko. None other than Kitty. 

    "Oh hindi pa kayo aalis?" tanong niya. 

     "Well baka kasi di ka siputin ng boy friend mo kaya nandito pa kami." pang aasar ko sa kanya. 

     Kundi niyo kasi naitatanong ay napaka sarap asarin ng babae na ito. 

     "Ano ka ba? Salamat nalang pero alam kong sisipot siya." -Kitty

     Talaga lang ha? Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nakita ni Kayden sa babaeng to at hindi niya maiwan-iwan. 

     Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Wala namang maganda sa kanya. Kung tutuusin ay nakakainis pa nga ang pagka isip bata niya. Akala mo kung sinong inosente. 

     "Ano tinitingin tingin mo diyan?" -Kitty

     Grabe, magtataray nalang hindi pa bagay. Mas mukha parin siyang batang naghahamon ng away. Kasura! 

     "Hindi ka naman maganda eh." sabi ko. 

     "Anong sabi mo?" 

     "Diyan ka na nga." sabi ko tapos sumakay na sa kotse ni Warren. 

    Pero bago pa ako tuluyang makalakad ay may sinabi siya.

     "Hindi ko alam kung anong balak mo pero alam ko naman na hindi mo gusto ang best friend ko eh, alam kong nagpapanggap ka lang. Hahanap ako ng ebidensiya at ipapakita ko yun kina ninang at ninong para malaman nila na niloloko mo lang yung anak nila." 

    "Don't you dare!" 

     Maging ako ay nagulat sa biglang inasal ko. Kailan pa ako nagkaroon ng pake? 

     Ayoko lang na malaman nila. Baka kasi makasama sa kalagayan nila. Kahit papaano ay napamahal na din naman ako dun sa dalawa noh. Sa kanila ko nahanap yung pagmamahal na ni minsan ay hindi ko naranasan dahil ulila na ako. 

     "Bakit? Anong gagawin mo?" pang aasar niya. 

    "Papatayin kita." 

     Honestly, hindi ko alam kung anong magagawa ko pag may nangyaring masama kina tita. Totoong napamahal na talaga sila sa akin. 

     Pero syempre hindi ko naman mean yung sinabi ko. Nadala lang naman ako ng damdamin ko. Kahit naman gaano ako kasama sa istoryang ito ay hindi ko naman kayang pumatay noh! 

     Sumakay na ako sa kotse at sinamantala ang pagkatulala nung babaeng yun. 

     "Anong pinag usapan niyo ni Kitty? Antagal niyong nagkausap ah." salubong agad ni Warren. 

     Isa pa to! Kung hindi pumasok tong lalaki na to sa buhay ko e di sana hindi ako nagkakaganito ngayon. Edi sana naka focus nalang ako sa kung paano ko babawiin si Kayden sa babaeng yun.

     "Pwede ba? Late na tayo!" 

     "Tsss, ang sungit mo talaga kahit kailan!" sabi niya pagkatapos ay pinaandar yung sasakyan. 

     "Whatever." 

     Saglit akong napasilip sa may side mirror. Nakita ko si Kitty na nakaupo na sa kalsada. Mukhang na out ballance siya. Ganun ba nakakabigla yung sinabi ko? 

     Duh! Sapphire! Tinutubuan ka na pala ng konsensiya ngayon? Yung babaeng yun kasi eh! Masyadong mabait.

---end of chapter 48--- 

Pasensiya na po kung ngayon lang at napaka walang kwenta ng update na ito, nagloloko kasi yung laptop ko.  (^_^)v

 

 

 


In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now