Chapter 40: The End of KitDen..?

5K 81 12
                                    

Dinedicate ko kay ate kasi natuwa ako sa comment niya... hehehe na appreciate ko talaga... And sorry kung medyo maikli at walang sense.... 


(Kitty's POV) 

     "Bakit ganun Mimi? Akala ko may pag asa na kami. Akala ko masaya na kami." 

     Nandito ako ngayon sa kwarto ni Mimi. Hindi ako umuwi sa amin at nagpaalam na kila Mimi muna ako matutulog. Hindi ako pwedeng umuwi na ganito ang itsura ko.

     "Waahhhhh Mimi!" 

     "Shhh tahan na! Hindi dapat iniiyakan ang mga ganung walang kwentang lalaki." sabi ni Mimi habang hinihimas-himas yung buhok ko. 

     Kanina... tinapos ko na ang lahat samin ni Kayden. Ayoko na siyang pahirapan pa. Siguro nga ay dapat ko ng tanggapin na hanggang dun nalang talaga kami.

     Minsan talaga ay may mga bagay na kahit ipaglaban mo ay pag hindi talaga para sayo ay hindi kailan man mapapasayo kahit na lumuha ka pa ng dugo diyan.

     Ang sakit... 

     Kasi si Kayden ang isang bagay na alam kong kahit kailan ay hinding hindi ko makukuha. At alam kong kailangan ko ng gumising sa kahibangan ko. Palagi nalang kasi akong nagbubulagbulagan kahit na alam kong hindi naman talaga ako ang mahal niya.

     Mhine...? 

     Ang gandang pakinggan diba? Pero kahit kailan naman ay alam kong hindi siya magiging akin. Basta ako, alam kong ginawa ko yung best ko, at ganito man ang maging ending naming dalawa, atleast alam ko sa sarili ko na wala akong pagsisisihan, dahil binigay ko yung best ko.


(Kayden's POV)

     "Uy pre tama na yan! Baka di ka na makauwi niyan!" -Harvey 

     Nandito kami sa isang bar ngayon. Wala lang gusto ko lang makalimot.

     "Ang sakit pala tol, yung makita siyang nakikipaghalikan sa ibang lalaki." sabi ko sabay tungga sa isang bote ng red horse. 

     "Bwisit na Warren yan..." 

     "Nagseselos ka ba sa kanila ni Sapphire?" tanong ni Harvey. 

     "P*ch* naman oh! Bakit lahat nalang kayo iniisip na nagseselos ako sa kanilang dalawa?" 

     Pasensiya na sa bad words. Lasing na kasi ako eh. Saka bad trip ako ngayon mga readers. Pagbigyan niyo nalang. Minsan lang naman eh. 

     "Wala akong pakialam sa kanilang dalawa! Wag niya lang papakialaman yung girl friend ko!" sabi ko. 

     "Si Kitty?" tanong ni Harvey. 

     "Nakakainis lang pre! Kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko, saka pa nangyari to." sabi ko. 

     "Tapatin mo nga ako tol, mahal mo na ba si Kitty?" 

     "P*ch* naman oh!" 

     Napamura nanaman tuloy ako.

     "Hindi ba halata?" 

     "Pasensiya naman, akala ko nagpapanggap ka lang eh." -Harvey 

     "Kilala mo ako tol, hindi ako magaling sa pag papanggap." sabi ko sa kanya. 

     "Oo na, pero anong plano mo ngayon?" tanong niya. 

    "Ewan ko... basta ang alam ko ngayon, ayaw ko ng masaktan ulit." sabi ko sabay tayo. 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now