Chapter 45: Sweeter the second time around?

4.9K 77 3
                                    

(Kitty's POV) 

     "Hoy bilisan mo nga diyan! Malilate na tayo niyan eh." yan nasigaw nanaman po si boyfiiiee.

     "Sandali lang naman, ang bigat bigat netong maleta ko eh. Tulungan mo kaya ako dito." sabi ko na hirap na hirap sa paghila nung maleta ko.

     "Andami ko din kayang dala!" tinuro niya gamit ng nguso niya yung dalawang malaking bag na hawak niya. 

     Oo nga naman...

     "Tsss..." tapos nauna na siya dun sa chopper.

     Ano ba yan! Kahit di niya ako matulungan, sana hinintay niya naman ako diba? 

     "Akin na nga yan..." nagulat ako nung binuhat nya bigla yung maleta ko.

     Nailagay niya na pala yung mga dala niya kanina. Kilig naman ako sa boyfriend ko. Gentleman naman pala. 

     Maya maya lang ay magkatabi na kaming dalawa sa loob ng chopper. Wala sina Mimi at Harvey dahil nagpaiwan pa sila sa isla. Dadating pa daw kasi yung mga magulang nila eh.

     "Mhine..." sabi ni Kayden. 

     Nakapatong yung ulo ko sa balikat niya habang nakayakap naman sakin yung isa niyang kamay.

     "Hmmm?" 

     "Wala lang, namiss ko lang na tawagin kang ganun." sabi niya na nakatingin sa may bintana. 

      Oo nga noh? Hindi ko na din maalala kung kailan yung huling beses na tinawag niya ako sa endearment na yun.

     Wala pang ilang oras ay lumapag na yung chopper sa taas ng isang building sa makati. Pagkatapos nun ay hinatid na ako ni Kayden sa bahay namin. Hindi na siya pumasok dahil pagod na daw siya. 

     Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Warren sa may sala, tapos may mga maleta. Hmmm? Kanino kaya yung mga yun? 

     "Uy Warren!" ganda ng bati ko ano? 

     "Sup." sabi niya. 

     "Anong meron? At kanino tong mga maleta na to?" tanong ko sa kanya. 

     "Salamat pare." 

    Nagtaasan ang lahat ng hormones ko sa katawan ng marinig ko ang boses na yun. 

     "Ninang! Ninong!" 

     Sinalubong ko kaagad yung mga magulang ni Warren. 

     "Si Kitty na ba to? Ang lakilaki mo na ah." nasabi ni Ninang Carla. 

     "Dalagang dalaga na tong kuting na to oh." si Ninong Arthur. 

    "Ninong talaga!" sabi ko. 

    "Bakit po pala kayo nandito?" tanong ko. 

     "Nagbabakasyon lang kami dito." -Ninang Carla 

     "Namiss namin ang pinas eh." sabi pa ni Ninong Arthur. 

     "Dito din sila titira habang nagbabakasyon dito sa Pinas." sabi ni papa. 

    "Wow." 

     "Kitty, andami nga pala naming dalang pasalubong sayo." sabi ni Ninang Carla. 

     "Talaga po?"  

     "Wow!"

     Pagkatapos noon ay bonding bonding lang kami. Saka pinakita sakin ni Ninang yung mga pasalubong niya sakin. Mostly chocolates at damit.

     Nagulat nga ako eh. Kasi may mga pasalubong din sila kay Sapphire.Kung ganun ay pinakilala na din pala sya ni Warren sa mga magulang niya? 

    Gabi na din nun nung napagod sila ninang at umakyat na ako sa kwarto ko. Saktong pagkahiga ko sa kama ay tumunog yung cell phone ko.

     Huh?? 

     63 missed calls?? 

     Kayden calling...

     "Hello?" 

(ANO BANG GINAGAWA MO??? KANINA PA AKO TAWAG NG TAWAG SAYO AH!!!!) 

     Ooooppppppssss high blood nanaman tong isang to!

     "Naiwan ko dito sa kwarto yung cp ko eh. Bakit ka napatawag?" tanong ko. 

(Wala lang...) 

     Biglang bumaba yung tono ng boses niya.

(Namiss ko lang yung boses mo.) 

     "Eh? Magkasama lang tayo kanina ah?" 

(Bakit? Masama bang mamiss ang mhine ko?) 

     "Kayden, wag kang ganyan hindi ako sanay." sabi ko. 

      Totoo naman eh. Hindi ako sanay na sweet siya sakin. Nandidiri ako. Pwede bang siya nalang ulit yung masungit na boy friend ko dati?

(ANO BANG HINDI SANAY NA PINAGSASASABI MO DIYAN HA? AKO NA NGA YUNG NAGPAPAKA SWEET SAYO EH.) 

     Yan ang Kayden ko.

     "HINDI KASI BAGAY SAYO MAGPAKA ANGHEL... DEMONYO KA KASI-" 

(ABA'T) 

     Ang weird ba naming couple? Kung kailan nag ka aminan na eh saka pa mas lalong naging brutal sa isa't isa?

     Well, kaya nga kami ang couple na di magkasundo diba? At saka aminin niyo mga readers... kaya patuloy niyong binabasa at sinusubaybayan ang kwento naming dalawa ay dahil sa hindi kami kagaya ng ibang couple. Dahil kami na ata ang couple na kahit kailan ay hindi magkakasundo.

     Sa maniwala kayo at sa hindi,  eh tumagal ang pag uusap/ sigawan namin na yun ng boyfriend ko hanggang madaling araw.

---end of chapter 45--- 


In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now