Chapter 1: My Bf/ Gf

15.6K 219 18
                                    


( Kitty's POV)

     Hi! Ako nga pala si Ma

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     Hi! Ako nga pala si Ma. Katarina Elois Sarmento, everybody calls me Kitty for short. I'm a second year College Student sa Velasco University. Current status ko ngayon?I'm in a relationship with a stupid....

     Stupid as in arrogant, bossy, mayabang, masungit at tamad na anak ng may ari nitong university na pinagaaralan ko. Alam niyo na, yung typical na bida sa isang wattpad story kagaya nito. 

     Everybody likes him in this campus at lahat naiinggit sa akin. Kung alam lang nila, being with him is like a living hell. Hindi ko nga alam kung bakit sinagot ko yung taong yun eh.

     We were so different... pero mahal ko eh.

     Kaya kahit anong gawin kong paninisi kay Kupido, wala na akong magagawa.I can't take him off my life... and my heart. Ang drama ko noh?

     By the way, nandito kami ng boyfriend kong palaging may dalaw sa mall. Bumibili kami ng ireregalo para sa mama niya. Susunduin kasi namin siya mamaya sa airport. Ngayon lang siya uuwi after 5 years.

     "Ano kayang pwedeng iregalo kay tita?" tanong ko.

      Pumasok kami sa isang department store.

     "Kahit ano basta may maibigay lang." sabi ni Kayden.

     Tingnan mo tong lokong to! Antagal tagal ng hindi umuuwi ng mama niya tapos di man lang magpakita ng kahit konteng appreciation.

     "Stuffed toys kaya?" suggest ko.

     "Ano ka ba? Anong akala mo sa mama ko? Bagets?" saway ni Kayden. "Hindi yun kagaya mo noh!"

     Tingnan mo tong tao na to! May dalaw nanaman ata! Tsk, buti nga nagsusuggest pa ako eh. Kung pwede ko lang siyang iwanan dito eh. 

    "Sapatos kaya?" ako ulit.

    "Madami ng koleksiyon si mama ng sapatos. Kaya malamang idadagdag niya lang yun sa koleksiyon niya."

    "Bag?"

    Tiningnan niya lang ako ng masama. Sabi ko nga eh, hindi magandang ideya. 

    "Damit?"

    "Masyado ng common yan eh." si Kayden.

    Ikaw kaya mag isip noh!

    "Ano? Wala ka na bang ibang maisip? Gamitin mo naman yang utak mo? Kaya kinakalawang eh." sabi pa ni Kayden.

    "Alam ko na!" sabi ko. 

    "Ano?" si Kayden.

    "Wag na lang natin bigyan ng regalo si tita!" sabi ko.

    Tinuktukan niya yung ulo ko na para bang pintuan yun na sa sobrang lakas ay nag echo pa sa tenga ko yung tunog. 

    "Araayyy!" sigaw ko. Masakit yun ah!

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now