Chapter 9: Sapphire

6.4K 88 5
                                    


Chapter 9: Sapphire!!! 

( Sorry po sa title wala kasi akong maisip na magandang pamagat ng chapter na ito eh.... pwede  po kayong magsuggest ng magandang title... comment niyo lang sa baba....) 


(Sapphire's POV) 

     Hayyyy. Sakit ng ulo ko... naparami kasi yung inom ko kagabi eh. Pero naaalala ko ang lahat ng nangyari... dumating si Kayden. At siya ang nag asikaso sakin kagabi. Napaka maalaga parin niya as usual. Miss na miss ko na siya. 

     Hindi ko lubos maisip kung paano ko nagawang ipagpalit siya sa career ko. Kung maibabalik ko lang ang panahon... eh di sana kami parin hanggang ngayon. Eh di sana masaya parin kami sa piling ng isa't isa.

     Mahal ko padin si Kayden... mahal na mahal. Siya ang dahilan kung bakit ko ginive up yung buhay ko sa Amerika para mag aral dito sa Pilipinas. Habang nasa ibang bansa ako at nag iisa ay doon ko narealize na mahirap palang mabuhay na wala si Kayden.

     Mabait naman si Kitty... pero parang naiinis ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay inagaw niya sa akin si Kayden eh. Ah basta! Nakakainis siya. 

     Sa totoo lang ay nung kumakain kaming tatlo nila Kayden para bang natutukso akong hilahin yung buhok niya. Hindi ko lang siguro matanggap na siya na ang mahal ngayon ni Kayden. 

     Siya na ang mahal ngayon ng lalaking nagmahal sa akin ng lubos noon. Ahhh ewan! Balik na nga tayo sa story... 

    Nandito ako ngayon sa parking lot ng Velasco University. Kahit may hang over pa ay pinilit kong pumasok. Gusto ko din kasing mag karoon ng dahilan para makita ulit si Kayden.

     Performing Arts ang kursong kinuha ko pero sa Engineering Building ako nagpahatid... syempre pupuntahan ko si Kayden. Magsosorry ako sa kanya kahit wala naman talaga akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko kagabi.

      Syempre....para magkaroon ng dahilan para makita ko siya. Hinanap ko siya sa mga klasrum. Nakita ko siya na nasa loob ng isang klasrum kasama nung best friend niya si Harvey. 

_____________________________________________________________

( Kayden's POV ) 


     Kinabukasan ay kinuwento ko kay Harvey yung nangyari samin ni Sapphire nung nakaraang gabi.

     "Talaga pre? Gusto kang balikan ni Sapphire?" si Harvey. 

     "Yun yung sabi niya. Kaya daw siya bumalik para makipagbalikan sakin." sabi ko. 

     "Ano pang hinihintay mo?" si Harvey. 

     "Nakalimutan mo na ba? May girlfriend na ako." sabi ko. 

     "Pero hindi mo naman talaga mahal si Kitty diba? Niligawan mo lang siya dahil sobrang nasaktan ka kay Sapphire at naghanap ka ng mapagkakatuwaan." sabi ni Harvey. 

     "Hindi ko pa pwedeng ibreak si Kitty ng ganun ganun nalang. Magagalit sakin ang buong angkan ko pag nalaman nila na pinaglaruan ko lang si Kitty." sabi ko. (hindi nila alam ay may nakakarinig pala ng usapan nila... kasalukuyang nasa pinto si Sapphire at narinig nito ng buong buo ang pinag uusapan nila....) 

     "Mahirap nga yan tol! Kung kailan binalikan ka na ng babaeng mahal mo ay hindi na kayo pwede dahil may commitment ka na sa iba." si Harvey. 

    "Oo nga eh..." 

    "Anong plano mo ngayon?" tanong ni Harvey. 

     "Sa totoo lang ay hindi ko din alam." sabi ko. 


---------------------end of chapter------------------- 


In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now