Chapter 41: Ang Salarin

4.8K 74 8
                                    

(Sharmaine's POV) 

    Hello! Naaalala niyo pa ba ako? Para sa mga hindi na nakakaalala. Balikan niyo yung Chapter 31-35. Ako lang naman ang cute na cute na president ng theatre club.  At hindi niyo alam ay siyang tunay na founder ng KitDen-atics. 

     At ngayong nasa panahon ng crisis at nanganganib na mabuwag ang paboritong duo ng bayan, eh wag niyong asahan na tutunganga lang ako sa isang tab. Nah! Magiimbistiga ako sa kanila.

     Hindi ako papayag na maging tragedy ang ending ng estoryang ito. Simulan natin sa pagiimbistiga kung ano ba talaga ang nangyari nung araw na yun na nakipag break si Ate Kitty kay Kuya Kayden. 

     Si Kuya Kayden naman kasi eh... malamang inaway niya nanaman si Ate Kitty! Ang lalaking yun! Hindi ba niya alam kung ilang tao ang nananalangin na magkatuluyan silang dalawa?

     Kayo ba mga readers?

     Aisssstttt! Sige na nga! Magiimbistiga na ako.

     "Totoo nakita niyo sila Ate Kitty at Kuya Kayden na nagtatalo dito nung ganung oras?" tanong ko na parang detective Conan dun sa dalawang osyosera. 

     "Oo, hinabol ni Kitty si Kayden hanggang diyan sa may fire exit." sabi nung isa. 

     O diba? Andami kong source! *wink 

     "Tapos anong nangyari?" 

     "Tapos nakita namin si Sapphire na napadaan tapos bigla na lamang nakisawsaw sa kanila." sabi nung kasama niya. 

     Aha! Sinasabi ko na nga ba eh. May kinalaman nanaman ang bruhang yun dito eh. Mapuntahan nga!

     "Tinitingin tingin mo?" pagtataray niya nung makita niya akong nakatingin ng masama sa kanya sa may hallway. 

     "Anong ginawa mo at nag away sina Kuya Kayden at Ate Kitty?" sigaw ko agad sa kanya. 

     "Tssss. Look who's here? Another KitDen Warriors i Guesse." -Sapphire 

     "KitDen-atics!" pagtatama ko. 

     "Whatever." 

     "Hoy wag mo akong tatalikuran, kinakausap pa kita." hinawakan ko siya sa braso para humarap sa akin. 

     "At ano? Sisisihin niyo nanaman ako sa nangyari sa dalawang yun?" -Sapphire

     "Bakit? Kasalanan ko ba kung talagang makati yung Kitty na yun? I didn't do anything. Tinulungan ko lang si Kayden na magain yung pride niya." 

     "Teka? Anong tinawag mo kay Ate Kitty?" 

     "Bakit? Akala niyo talagang lahat na anghel yung Kitty na yun? Eh sino kayang nahuli ni Kayden na nakikipaghalikan sa best friend niya?"

     "Eh?" I'm confused.

     "Nahuli niya si Kitty at Warren sa elevator you idiot!" 

     "Hindi totoo yan!" 

     Sa inis ko ay sinabunutan ko siya- pero joke lang. Ayokong mabahiran ng maruming dugo ang aking magagandang kamay.  

     Pero teka, sii Ate Kitty at Kuya Warren? Imposible!

     Si Kuya Warren ang susunod kong hinanap. Natagpuan ko siya sa library.

     "Kuya Warren!" 

     "Yo!" 

     "Eh Kuya!" lumapit ako sa kanya na parang nagsusumbong.  

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now