Chapter 7: Her Bestfriend

7K 113 13
                                    


( Kayden's POV ) 

     "Class, that's all for today! See you next week." announce ng professor namin. 

     Sa wakas! Kanina pa ako inaantok eh. Natatakot lang ako kasi pag natulog ako sa klase isumbong ako ni Prof. Sarmento sa daddy ko. Buti sana kung pagbawalan niya nalang kaming dalawa ni Kitty eh, di hindi pa sana ako nahirapan na ibreak yung babaeng yun. 

     Sunod-sunuran kasi yun sa papa niya eh. By the way, nasabi ko na ba sa inyo? Si Prof. Sarmento ang papa ni Kitty. Ang awkward noh? Prof mo ang tatay ng girlfriend mo.

     Well. Hindi naman namemersonal si Tito Damian, kung gaano siya kahigpit sa iba niyang estudyante ay ganun din siya sa akin. 

     Yehey! Uwian na. Binuhat ko na yung bag ako at nagtungo malapit sa pintuan ng biglang tinawag ako ni prof.

     "Kayden!" 

     "Prof? I mean tito?" tanong ko. 

     Nakalimutan ko, wala na nga pala kami sa klase kaya pwede ko na siyang tawaging tito. Yun kasi ang patakaran niya eh.

     "Sabay ba kayong uuwi ni Kitty ngayon?" tanong niya. 

     "Opo." sabi ko. 

     "Sasamahan mo ba siya sa airport?" 

     Airport?

     "Bakit po? Sinong darating?" tanong ko. 

     "Ngayon kasi ang dating ng bestfriend ni Kitty galing sa Korea. At siya ang inutusan ko na sumundo. Hindi ba niya nabanggit sayo?" si tito. 

     "Hindi po eh." sabi ko. 

     "Naku baka nakalimutan nanaman nung batang yun. Ulyanin na talaga." sabi ni tito. 

     "Sinabi niyo pa tito.

     "Pwede mo bang samahan si Kitty na sumundo sa bestfriend niya? Tutal ay may kotse ka naman." si tito. 

     Sa totoo lang ay hindi pakiusap yun, utos yun. Hindi lang halata.

     "Sige po tito." sabi ko. 

     Ano pa nga bang magagawa ko? Utos ng hari eh mahirap baliin. Sa totoo lang ay mas takot pa nga ako sa kanya kesa sa papa ko eh.

     Si papa kasi ay kalmado lang at mapag laro, kaya mas tatay material pa ang tingin ko kay Tito Damian.  

      Lumabas na ako sa klasrum. Una kong hinanap si Kitty at natagpuan ko siya sa may garden sa ilalim ng punong mangga at natutulog. May marmol na lamesa at upuan doon. Sa itsura niya ay mukhang nakatulog siya habang nagbabasa kaya naman umupo ako sa tabi niya.

     Naaawa ako sa bestfriend niya, siguradong malulungkot yun dahil nakalimutan siyang sunduin ng magaling na babae na to.

     Ano kayang magandang panggulat? Tinitigan ko yung mukha niya, yung kilay niya, yung mata niya pababa sa may ilong niya then her lips.

     At naalala ko nanaman tuloy yung accidental kiss na nangyari samin sa may lobby nung isang araw...then it made me smile.

     Ewan ko kung bakit, pero everytime na naaalala ko yun ay napapangiti ako. I leaned closer... then I kissed her.

(Kitty's POV)

     "Ay palaka!" sigaw ko. 

     Naramdaman ko kasi na may humalik sa akin, bumangon ako at sinampal yung nasa harap ko.

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now