Chapter 52: Like a Princess

4.3K 69 3
                                    

(Kitty's POV) 

"Happy Birthday to you.." 

"Happy Birthday to you..."

"Happy birthday, happy birthday!" 

"happy Birthday to you..." 

    Sa baba ng hagdan ay nakita ko si papa ko. Naka extend yung kamay niya sa akin. Tapos biglang may nag play ng kanta.

Np: Dance with my Father

    "Maaari ko bang maisayaw yung anak ko?" 

    Tumango ako at kinuha yung kamay niya. Grabe, parang naiiyak na ako ng mga sandaling yun. Hindi ko kasi akalain na darating yung panahon na ito eh. Na maisasayaw ako ng papa ko.

    "Anak, patawarin mo ang papa ha. Kung hindi ko man naipakita sayo kung ganu kita kamahal. Sa tuwing nakikita kasi kita eh naaalala ko yung mga naging pagkukulang ko sa inyo nun. Kaya nga siguro tayo iniwan ng mama mo." 

    "Pa, wag mong sabihin yan! Hindi ka nagkulang." sabi ko na naiiyak na talaga.

    "Sorry baby ko ha, kung pakiramdam mo hindi ka lang nawalan ng ina kundi pati na rin ama. Hayaan mo, babawi ako sayo. Kahit meron ka ng mhine ngayon, wag mong kakalimutan na ikaw parin ang nag iisang baby ko." 

    "Papa talaga oh!" 

    Akala ko hindi ko na ulit siya maririnig na tawagin akong baby. Tapos  biglang napalitan yung kanta.

NP: Out of my league by Stephen Speaks

    "May I have this dance?" si Ninong Arthur

    Pagkatapos noon ay binitawan na ako ni papa.

    "Napaka ganda naman talaga ng prinsesa namin ngayon." sabi ni Ninong. 

    "Siya nga pala, napakaswerte mo sa boyfriend mo alam mo ba?" -Ninong

    "Nakilala niyo na po siya?" tanong ko.

    "Ano ka ba? Siya kaya ang nagplano ng lahat ng ito." -Ninong

    "Ang lalaking yun?" 

    "Ang swerte swerte mo dun. Bukod sa gwapo, mayaman na, at matalino pa. San ka pa?" 

    "Ninong talaga!" 

    Bakit parang hindi ko narinig yung mabait? Kayo ba? May sinabi ba si Ninong na mabait? Wala naman diba? Kasi kung meron nagkakamali siya. Heheh

    Ang sumonod na nagsayaw sa akin ay si Tito Fernan.

    "Panu ba yan? 18 ka na, pwede na." -Tito Fernan 

    "Pwede na pong ano?" tanong ko. 

    "Pwede na kitang maging manugang." 

    Ngayon alam ko na kung kanino nag mana si Kayden. 

    "Tito naman eh!" 

    "Haaay kung alam mo lang. Laking pasasalamat namin sayo alam mo ba? Ikaw ang nagbalik ng katinuan diyan sa baliw naming anak. Alam mo bang lahat na ginawa namin diyan noon? Ikaw lang pala ang makakapagpatino diyan." sabi ni tito. 

    "Thank you po tito..." 

    "No." 

    "I thank you."

    Ang sumunod na nag sayaw sa akin ay si Sir Owen. Pagkatapos ay mga pinsan ko na. Sinayaw din ako ni Harvey at ni Kuya Johanne.

    At si Warren na yung pang 17. Malamang si Kayden yung pang huli. Paimportante yun eh, Joke! 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now