Chapter 59: Leaving

4.5K 74 4
                                    

(Kitty's POV) 

     "Aalis ka?"

     "Oo eh... sinubukan ko na tong sabihin sayo noon kaso wala ka ata sa tamang wisyo." -Kayden

     "Ehhh! Nakakainis ka naman eh! Umalis na nga silang lahat pati ba naman ikaw?" sabi ko sabay pout.

     "Ano ka ba? Saglit lang naman akong mawawala eh, tutulungan ko lang si Kuya Francis sa mga problema niya sa business doon pagkatapos ay babalik na ako dito." sabi niya.

*pout*

     "Wag ka ng malungkot please..." sabi niya sabay puppy eyes.

     "Sige na nga! Pero pag ikaw hindi bumalik... yari ka sakin!" sabi ko.

     "Thank you mhine!"

     "Teka? Kailan nga pala ang alis mo?" tanong ko.

     "Hehehe bukas?"

     "Bwisit ka! At ngayon mo lang talaga sinabi sakin?" tinalikuran ko siya.

     "Wag ka ng magalit mhine, matagal na kasi dapat akong aalis eh. Kaso andami kasing nangyari, at hindi kita maiwan." sabi niya.

     "Kasalanan ko pa ganun?"

     "Hindi naman sa ganun mhine."

     Haaay. Wala naman kasing problema sakin kung kailanganin siya ng pamilya niya dun. Ang sa akin lang eh wrong timing naman kasi siya. Kamamatay lang nila Ninang at Ninong. At si mama eh bumalik na sa amerika.

     Nagka usap na kami at nagkapatawaran pero kailangan niya pang bumalik doon para ayusin yung demandang isasampa niya sa tatay ni Kyllie pati na din yung custody ng kapatid ko. Dahil iba ang pangalan niya na ginamit nung magpakasal sa daddy nito ay kailangan niyang ayusin yung mga papeles para patunayan na siya nga ang nanay at may karapatan sa kanya. 

     Si Warren naman ay pumunta muna sandali sa Korea para ayusin yung mga papeles tungkol sa last will ng mga magulang niya at yung paglipat sa kanya ng mga ari-arian ng mga ito. Kailangan niya ring icheck kung tumatakbo parin ng tama yung business ng pamilya niya. Babalik pa naman siya dito. Dito niya na daw kasi tatapusin yung pag aaral niya.

     "Wag ka ng magalit. Kaya nga kita sinundo ngayon para masulit natin yung araw na ito. Kasi malamang isang araw palang ako dun eh mamimiss na kita." sabi ni Kayden.

     "May magagawa pa ba ako? Eh pamilya mo pa din yun." sabi ko.

     "Heheheh wag ka nang mag alala, magiging parte ka din ng pamilyang yun." sabi ni Kayden.

     "Adik!"

     "Pero seryoso, para din sa future natin yun." sabi pa ni Kayden.

     "Ikaw talaga! Magseryoso ka nga."

    "Seryoso naman ako ah?"

     "Talaga? Di halata. Kung makapagsalita ka parang sigurado ka na talagang tayo hanggang huli ah. " may pagka sarcastic kong sabi.

     "Hindi ba sinabi ko na sayo noon? Akin ka... binigay ka Niya sakin." -Kayden

     Haaay. Kahit kailan ay hindi padin sumasablay ang isang to na pakiligin ako.

     "Oo na po... saan ba tayo pupunta ngayon?" tanong ko.

     Nasa loob nga pala kami ng kotse ni Kayden ngayon. Maaga niya akong sinundo sa bahay kanina sa di malamang kadahilanan. Tapos on the spot ay sinabi niya sakin na aalis siya bukas papuntang Amerika. Just nice right?

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now