Chapter 39: Elevator

4.9K 77 12
                                    

(Kayden's POV) 

      Sila Warren at Sapphire na.

     Pero bakit ganun? Parang wala ng impact sa akin ang balitang yun? Kung noon siguro, baka nanggalaiti na ako sa selos. Na yung babaeng handa akong mamatay eh napunta sa iba. Kaso iba na ngayon. 

     Andiyan na si Kitty eh. Ang tanga ko lang dahil ngayon ko lang narealize na kaya pala hindi ko na sinubukang makuha ulit si Sapphire nung bumalik siya ay dahil asa akin na ang lahat. Si Kitty na ang lahat sa akin noon.

     Alam niyo yung pakiramdam na hindi mo kayang mag lunch ng wala siya? Hindi makukumpleto yung araw mo ng hindi mo siya nakikita o marinig man lang ang boses niya? 

      Ang tanga ko lang kasi ngayon ko lang narealize ang lahat ng yun. Na kahit ano pang kapintasan niya, natatagalan ko. Kasi... MAHAL KO SIYA!

     "Hoy mhine, anong iniisip mo? Siguro nagseselos ka kasi sina Sapphire at Warren na noh?" -Kitty 

      T*ngn* lang at kailangan niya pang itanong sa akin yan? 

      "Tss bakit naman ako magseselos?" -ako 

     "Kasi mahal mo si Sapphire?" -Kitty 

      "Alam mo ibang klase ka din noh?" 

     Nakakainis lang kasi! Bakit nagagawa niya pang sabihin sakin yun diba?

      "Huh bakit?" 

      "Ewan ko sayo!" 

     Makaalis na nga dito.


(Kitty's POV) 

     "Ewan ko sayo!!" sabi ni Kayden sabay walk out. 

      Pero aaminin ko sa inyo... nasaktan ako. Sino ba namang hindi diba? Apektado parin yung taong mahal mo sa ex niya?

     Tapos obvious naman sa kanya na naiinis siya. Gusto ko lang naman sana na marinig sa kanya at sabihin niya na hindi siya apektado dahil ako na ang mahal niya. Asaness naman ako diba?

     Yes, maganda yung takbo ng relationship namin lately pero alam ko naman na pinipilit niya lang yung sarili niya na ituon yung atensiyon sa akin. Never pa naman niyang sinabi na mahal niya ako diba? Kaya ayaw kong umasa.

     "Kitty!" tinawag ako ni Mimi. 

     "O bakit?" -ako

     "Pwedeng pakidala netong libro ni Prof Demtre sa office niya sa 5th floor?" -Mimi 

     "Ayoko nga, sayo inutos yan eh." -ako 

     "Eh... sige na! Libre nalang kitang ice cream mamayang uwian, may gagawin pa kasi ako eh." -Mimi 

     "Tsss... kung hindi lang kita best friend!" kung hindi lang dahil sa icecream. Kinuha ko na yung libro sa kanya. 

     "Mag elevator ka nalang para hindi ka na mahirapan... thank you talaga ha!" -Mimi

     "Oo na... Yung ice cream ko ha!" 

      "Sure."

     Pagkatapos ay umalis na siya. Buti nalang talaga may elevator. Sumakay na ako. Nung malapit ng magsara ang pinto ay...

    "Wait!" 

     Bigla namang pumasok si Warren.

     "Uy Warren, nagmamadali ka ata." sabi ko. 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now