Chapter 70: His Fiance

4.2K 63 6
                                    

Chapter 70: His Fiance

(Mimi's POV)

Kinabukasan...

Lunch break na kami nagkita ni Kitty sa canteen. Busy kasi sa mga projects kaya may kanya kanya munang mundo ngayon.

Kawawa naman yung best friend ko. I'm sure pag kayo yung nakakita sa kanya maaawa din kayo. Magang maga yung mga mata niya tapos lumong lumo yung mukha. Daig pa ang namatayan ng aso.

"Bessy, anong nangyari?" lumapit agad ako sa kanya pagkakita ko sa canteen.

Kinuwento niya sakin ang lahat ng nangyari kahapon pagkauwi niya.

"Ganun lang yun? Wala siyang sinabing dahilan?" tanong ko.

Tumango siya. Hindi ako makapaniwala. Nakita ko at alam ko kung gano siya kamahal ni Kayden. Pero bakit nakipag break naman sa kanya ng ganun ganun yung taong yun? And take note, without any concrete reasons.

"Sup."

Thank goodness... dumating na din tong dakilang boy friend ko.

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now