Chapter 66: He's gonna be back... soon. (^.-)

4.1K 57 3
                                    

Chapter 66: He's gonna be back... soon. (^.-)

(Kitty's POV)

Lunch break...

Nandito kaming tatlo nila Mimi at Harvey sa canteen...

Haaaayyyy ^_^

Ang sweet nilang dalawa oh...

Ang sarap pagmasdan nitong master piece ko. Sa wakas!! Nakagawa din ako ng tama sa mundo.

As for Kayden... Bahala siya sa buhay niya... At war kami ngayon.

Ang lakas ng loob niyang tawagin akong Kitty at narinig ko siyang may kasamang babae sa phone. Bahala siya sa buhay niya. Di ko sasagutin mga tawag niya. Malay natin baka pag namiss niya ako eh maisipan niya ng umuwi.

"Grabe, di ko akalain na ikaw lang pala ang makakapagpaamin dito sa torpe na ito." sabi ni Mimi sakin.

Well...

Pinagkwekwentuhan lang naman namin kung paano ako naging henyo.

"Tsss di ko akalain na mabablack mail mo ng ganun si Kristoffe." sabi pa ni Harvey.

Natawa lang kami ni Mimi...

"Pero aminin mo Harvey... kung di dahil sakin eh hindi ka makakaamin diyan sa best friend ko." sabi ko.

"Oo na po... dahil doon eh malaki ang utang na loob ko sayo." -Harvey

"Talaga? Magkano?" biro ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko.

"Ano ka ba? Priceless ang friendship noh!" -Harvey

Pautot ng isang to... Wala lang tong pera alam ko eh. Magshishift na kasi siya sa Photography sa susunod na  school year at dahil tutol doon ang tatay niya. Ayun! Walang allowance.

"At kailan naman tayo naging magkaibigan? Aber?" pagbibiro ko pa.

"Ganyanan ah! Bestfriend ako ng boyfriend mo tapos ginaganyan mo ako." -Harvey

"Hehehe di ka naman mabiro." sabi ko.

"Teka guys, isang linggo nalang bakasyon na natin ah. Wala ba tayong plano?" pagiiba ni Mimi sa usapan.

Oo nga noh! Tapos na yung mga finals namin... Malapit ng magbakasyon.

"Anong plano? Parang nung nag beach tayo sa resort noon?" -ako

"Oo. Para naman magka bonding tayo bago man lang tayo magbakasyon sa kung saan saang probinsiya natin." sabi ni Mimi.

"Sinu-sino? Alangan namang tayong tatlo lang." -ako

Kasi naman diba?? Hello!! Lovers kaya sila... tapos isasama ako? Ano ako chaperone?

"Isama din natin si Warren, I'm sure sasama din si Sapphire." -Harvey

Nagkatinginan kami ni Mimi...

Hindi kaya ma OP lang dun si Sapphire...? Pero kung sabagay kasama naman si Warren. Baka ako pa nga ma OP sa dalawang pares na to eh.

Kung nandito lang sana si Kayden... Bwisit na lalaking yun... Talagang inabandona na ako dito sa Pilipinas...

Subukan lang niya na wag pang bumalik at paniguradong wala na talaga siyang babalikan dito sa Pilipinas.

"Sup." naupo sa table namin si Warren.

"Himala di mo yata kasama si Sapphire." puna ni Harvey.

"Ah yun! Pinabili ko ng pagkain." cool na cool lang na sabi niya.

(>.>) (>.>) (>.>) -------> (^_^)

At kailan pa naging Kayden ang peg ng isang to???

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now