Chapter 78: Anger.Selfishness.Revenge

3.7K 55 3
                                    

{Kitty's POV} 

Pagkatapos nung pagkikita namin ni Ate Clarisse ay umuwi na ako sa bahay. Nawalan na ako ng gana. Haaay. 

Dalawang Velasco na ang nakasama ko ngayong araw na to. Pero isang Velasco lang talaga yung pinakang namimiss ko. Hndi pa kami nagkikita mula nung manggaling kami sa Baguio eh. 

Hay naku Kitty! Ginusto mo yan diba? :( 

Bakit kasi naging ganito kakumplikado ang lahat diba? At bakit kami pa? Pero kung sabagay, bakit nga ba hindi kami diba? Ang hirap naman!! 

Pag naiisip ko na ang mawala si Kayden sakin ang worst case senario ng lahat ng to ay sumisikip ang dib dib ko. 

{Ate Clarisse's POV}

Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa bahay. Baka maghinala pa yung magaling kong asawa na may ginagawa ako noh.

Hindi maalis sa isip ko yung itsura ni Kitty kanina. Pag naaalala ko yun ay parang nadudurog yung puso ko. Ganun din kaya ang itsura ni Giselle noon? 

I can feel all the guilt coming back. 5 Years ago, may nangyari na rin na kagaya nito. At ayokong isipin na history repeats itself, hindi ko kayang mangyari din yun kina Kitty at Kayden. 

Pagpasok ko sa bahay ay nagulat ako sa eksenang naabutan ko pagpasok ko ng gate. 

"Hindi porke't bunso ka ay kami ang magpaparaya sa kaligayahan mo parati!!!" -Francis

Nakita ko si Kayden na nakaupo sa lupa. Tapos may dugo sa gilid ng labi. 

"Ang sabihin mo kuya makasarili ka!! Walang ibang mahalaga sayo kundi yang kumpanya mo!" -Kayden 

"You!!!-" susugurin niya pa sana ulit si Kayden kaya lang ay pumagitna na ako. 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now