Chapter 58: Gone

4.4K 63 2
                                    

(Kitty's POV) 

     "Tara! Ice cream tayo!" niyaya ko si Warren papunta sa ice cream parlor.

     "Haay kahit kailan talaga ay ang takaw takaw mo!" -Warren

     Umorder na kami ng tig -isang cone ng ice cream. Chocolate sa akin tapos strawberry naman sa kanya.

     Parang baliktad nga eh. Pero ginusto niya yan eh kaya pinagbigyan ko nalang. Pagkatapos naming bumili ng ice cream ay naupo kami sa isang bench sa tapat nung ice cream parlor. 

      Sana naman okay na siya. Pag may problema kasi ako eh ice cream ang nagpapagaan ng paki-ramdam ko. Nung may problema ako ay siya ang nagpagaan sa pakiramdam ko. Kaya ako naman ngayon. 

     "Ang cute mong tingnan pag kumakain ng ice cream... nawawala ang problema ko." sabi niya. 

     Nginitian ko naman siya. Buti naman at kahit papaano ay napagaan ko ang pakiramdam niya. 

    "Sayang talaga at nahuli ako ng dating." biglang sabi niya.

     "Hmmm?" 

     "Kung nauna sana akong ng dating sa boy friend mo eh di sana... sa akin ka ngayon." -Warren 

     "Pinagsasabi mo?" 

     "Wala!" ginulo niya yung buhok ko. 

     "Sus! May Sapphire ka naman na ngayon noh." sabi ko. 

     "Si Sapphire? Wala namang kami eh." 

     "Pinagsasabi mo?"

     "Nagpapanggap lang kami sa magulang ko. Gusto kasi nila na magka girl friend na daw ako eh." -Warren 

     Kung ganun ay hindi totoo yun? Pwedeng si Kayden parin ngayon ang nasa puso ni Sapphire. Pwedeng pagkatapos nito ay gumawa nanaman siya ng paraan para mabawi si Kayden sa akin?

     Ayst! Ano ba yang iniisip mo Kitty! Hindi yan ang importante ngayon! 

     ~ring ~ring. Biglang nag ring yung phone ko. Huh? Sino naman kaya to? Unknown number eh

     "Hello?"

     {Kitty?} narinig ko yung boses ni Sapphire sa kabilang linya. 

     "Sapphire?" 

     {Kasama mo ba ngayon si Warren?}Napansin ko na parang tense na tense yung boses niya. 

     "Oo bakit?" 

     {Tinatawagan ko siya kaya lang nakapatay yung cellpohone niya. Pumunta na kayo ngayon dito sa ospital. Sila tita at tito!}parang basag galing sa pag-iyak yung boses niya kaya kinabahan na ako. 

     "Bakit? Anong nangyari sa kanila?"

     {Wala na sila.}

     Nabitawan ko yung hawak-hawak kong ice cream. 





*********************************************************


After 3 days

     "Tara na mhine." pumasok si Kayden sa kwarto ko.

     Nakaupo lang ako sa kama habang tinitingnan ko yung picture naming tatlo nila Ninang at Ninong. Kuha pa yun nung binyag ko. Hawak hawak nila akong dalawa. 

     Umupo si Kayden sa tabi ko.

     "Mukhang mahal na mahal ka talaga nila noh? Kahit di ka nila tunay na kadugo." -Kayden

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now