Chapter 17: Mhine

7.4K 97 4
                                    


(Kayden's POV)

     "Subuan mo ako." utos ko.

     "Ayaw," si Kitty.

     "Paano ako kakain neto kung masakit ang braso ko?" tanong ko.

     Nandito kami sa cafeteria ngayong dalawa at lunch break,

     "Bakit kasi pumasok ka pa?  Dapat dun ka nalang sa bahay niyo, atleast dun maraming katulong na magsusubo sayo." sabi niya.

     Napakamean  talaga netong girlfriend ko... kahit kailan,

     "Eh sige na kasi, kasalanan mo naman ito eh."  sabi ko.

     "Hoy! Sino ba naman kasing matinong lalaki ang bigla bigla nalang papasok sa kwarto ko?" katwiran niya.

     "Ako?"

     "Ikaw? Matino?"

     "Dali na kasi.." pamimilit ko sa kanya. "Gutom na gutom na ako eh."

     "Eh..."

     *puppy eyes*

     "Kasi naman eh!" nagaalangan man ay lumapit pa din siya sa plato ko.

     Kinuha nya yung kutsara ko.

     "Say Ahh" sabi niya.

     "Ahhh"

     "Ang sweet naman nila!!" narinig kong bulong nung isang babaeng dumadaan.

    "Tss bumulong pa eh dinig naman." bulong ni Kitty.

     "May sinasabi ka?" tanong ko.

    "Wala! Kumain ka na nga lang!" pagkatapos ay sinubo niya sa akin ang isang kutsarang napakadaming laman.

     "Ano ba yan? Gusto mo ba akong mabilaukan?" tanong ko.

     "Sorry po young master..." ayan nanaman siya sa nakakaloko niyang tawag sa akin.

    What was that supposed to mean?

    "Say A" at sinubuan niya nanaman ako ng pagkalaki laking kanin.

    "Ano ba *munch munch* gusto mo ba  akong *munch munch* mabulunan?!"

    Nakakahalata na ako sa babaeng to ah.

     "Nakakahalata na ako sayo ah, bakit ang sama sama mo sa akin ngayon?" tanong ko.

    "Ano ba yang sinasabi mo?" halos patay malisya niya na sabi.

     Sus... kunwari pa itong isang to! If i know ay tuwang tuwa siyang sinasaktan ako physically. Kaya guys out there, wag kayong padadala sa mga angelic face... kilalanin niyo muna bago niyo ligawan. Learn from my mistakes.

     "Warren!!"  sigaw niya napadaan kasi yung bestfriend niya.

     "Yea?"

     "Sabay ka na sa amin." si Kitty.

     Pansin ko lang ha! Bakit biglang nag iba yung expression niya nung nakita niya to? Ang sungit sungit niya sakin tapos todo ngiti ngayon sa gagung to? Lokohan ba to? Naiinis na ako ha! Ako yung boy friend dito ah.

     "Sabay ka na sa amin." yaya pa ni Kitty sa kanya.

     "Okay lang ba?? I thought you two are dating?" tanong niya.

     Buti alam mo,

     "Naku hindi ah! We were just eating... sabay ka na sa amin." yaya ni Kitty.

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now