Chapter 4: He's Explanation

7.6K 141 4
                                    

(Kitty's POV) 

     "Nakakainis talaga siya Mimi!" sigaw ko. 

     Nandito kami sa canteen ngayon ng bestfriend kong si Mimi. Katatapos ko palang ikwento sa kanya yung mga ginawa sakin ni Kayden kaya natural lang na mainit ang ulo ko.

     "Chill ka lang friend. Malay mo may ganda palang paliwanag si Kayden sa mga nangyari diba?" sabi ni Mimi. 

    "Kilala ko siya Mimi." sabi ko. "At hindi ito ang unang beses na binalewala niya ako. Ang masakit pa dun ay paulit ulit niya na lang ginagawa sakin yun." 

    "Hindi naman siguro." si Mimi. 

     Maya maya ay nakita ko si Kayden kasama nang bestfriend nitong si Harvey na pumasok sa canteen. 

     "Speaking of the devil." sabi ko. 

    "Pano ba yan? Nandyan na yung prince charming mo?" sabi ni Mimi. "Sige mauna na ako sayo ha." 

    "Teka!" 

     Kaya lang ay nagmamadali ng lumayo si Mimi sakin. Tssss.... hindi naman halata na head over heels siya kay Harvey niyan??? Nakita lang niya... hayun at kumaripas na ng takbo.

     Nakita kong humiwalay na si Harvey kay Kayden...at yung nakakainis kong boyfriend ay papunta na sa gawi ko ngayon.

     "Musta?" sabi niya.

     Musta? Ganun na lang yun? Parang walang nangyari? 

     Inirapan ko siya at inilipat ko yung paningin ko sa kabilang side ng table opposite sa kinauupuan niya. Pagkatapos ay lumipat naman siya dun sa side kung saan ako nakaharap.

     Inilipat ko ulit yung tingin ko sa kabilang side at lumipat ulit siya. Papansin talaga. Paulit ulit na ganun ang ginagawa namin. Hanggang sa siya ang unang napagod.

     "Kitty ano ba? Hanggang kailan mo ba ako hindi papansinin?" reklamo niya. "Binalikan naman kita ah." 


(Kayden's POV) 

     Hay salamat... nagkaroon din ako ng POV. Maipapaliwanag ko na din yung sarili ko sa mga readers. So ganito nga ang nangyari, 

     Lumabas ako ng sinehan kahit paboritong paborito ko yung palabas. Pano tong nakakainis kong girlfriend, biglang nagpapabili ng popcorn. Kainis! Bakit naman kasi kailangang ako pa?

     At ayun nga nandito ako sa labas para bumili ng lecheng popcorn. 

     "Ate, pabili nga po ng dalawang popcorn. Yung extra large ha!" sabi ko sa tindera. 

     Maya maya ay may naaninagan ako na pamilyar na mukha... si Sapphire ba yun? Tinitigan kong maigi. Si Sapphire nga!

    Nagmamadali ko siyang sinundan.

    "Uyyy pogi! Yung popcorn mo." sabi nung tindera. 

    Hindi ko na sya pinansin... sinundan ko si Sapphire. Curious lang ako... ano kayang ginagawa ng isang Hollywood star dito sa Pilipinas?

     Pilipina siya, kaso ay mula kasi ng sumikat siya ay hindi na siya bumalik ulit dito sa Pilipinas. Sinundan ko siya sa bawat boutique na pinuntahan niya ng mapansin ko na pasakay na siya ng kotse ay dali dali kong kinuha yung kotse ko para sundan siya. 

    Akala ko ay sa isang hotel sya tutuloy, nagulat ako ng umuwi siya sa isang townhouse sa isang subdivision. Ibig sabihin ba nun ay magtatagal siya dito sa Pilipinas? Maganda kung ganun.

   Teka, baka isipin niyo inistalk ko siya ah. Magkakilala kami personally, kaso ay hindi pa ako handang harapin siya sa ngayon.

     It still hurts somehow... 

     Tama na nga tong kadramahan ko. Makauwi na nga. Nagdadrive na ako pauwi ng biglang maalala ko si... Kitty!

     Sinilip ko yung relos ko, halos tatlong oras na akong wala. Malamang ay tapos na ngayon yung palabas. Nakauwi na din kaya si Kitty?

     Bigla akong kinutuban, sa pagkakakilala ko dun ay malamang nandun pa yun sa mall naghahanap.

     Nagmamadali kong pinaandar yung kotse pabalik sa mall. Hinanap ko siya, hanggang sa matagpuan ko siya sa isang bench at umiiyak na parang batang nawawala.

    Kahit kailan talaga ay isip bata tong babaeng to! 

     "Ano ka ba? Dapat hindi mo nalang ako hinanap! Dapat umuwi ka nalang!" sabi ko. 

     Nag-angat siya ng tingin at kakaibang lungkot ang nakita ko sa mga mata niya. 

     "Tara na nga! Ihahatid na kita!" sabi ko. 

     Hinawakan ko yung isang braso niya ng biglang... 

     "Ahh!" sigaw ko. 

     Kinagat niya yung kamay ko. Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad palayo. 

     "San ka pupunta?" tanong ko. 

     "Uuwi na! Para hindi ko na makita yang pagmumukha mo!" sabi niya. 

     Hindi ko na siya hinabol, bahala siya. Kung ayaw niyang magpahatid di wag. Ako na nga tong nagaalala ako pa tong nakagat. Kaya ako naman talaga ang tunay na kawawa dito noh. Dahil palagi nalang akong kinakagat ng girlfriend ko.

---end of chapter 4---


yun lang po muna sa ngayon... abangan ninyo sa mga susunod na chapter kung sino ba talaga si sapphire? at ano ang papel niya sa buhay ni Kayden... at kung ano ang magiging papel niya sa relasyon nila Kayden at Kitty... 

sana po ay nagustuhan niyo tong update na to! comment and vote po pls pls... 


In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now