Chapter 43: Isla Dela Rocca

5K 72 5
                                    

(Kitty's POV) 

     "Morning sunshine!" nagulat ako ng bigla nalang hinablot ni Mimi yung kumot ko. 

     "Ano ba? Inaantok pa ako eh." sabi ko sabay dampot ng unan sa tabi ko at takip sa mukha ko. 

     Sabado naman kasi ngayon diba? Hindi ba pwedeng magpahinga muna?

     "Tumayo ka na diyan, o gusto mong ako pa ang mag impake ng mga gamit mo?"-Mimi 

     "Impake?" napatayo tuloy ako.

     "Magbabakasyon tayo dun sa bagong isla na nabili ni papa." sabi niya. 

     "Ayoko." 

     "Sige na, 2 days lang naman eh." sabi niya. "Babalik din tayo dito sa monday since holiday naman sa monday eh." 

     Infairness dito sa best friend ko na to ah. Nung isang araw niya pa kong sinusubukang pasayahin.

     "Ano ka ba Mimi! Hindi mo na kailangang gawin pa yun noh. Okay lang ako!" sabi ko tapos hinawakan ko yung kamay niya. 

     Napayuko siya... 

     "Pero sa dami ng kasalanan ko sayo. Dapat lang na bumawi ako sayo diba?" sabi ni Mimi na nakayuko. 

     "Huh?" nagtaka ako. 

     Kasi wala naman akong naaalala na kasalanan niya sakin eh. Baka si Kayden... yun maraming kasalanan sakin yun. Teka? Bakit nanaman ba napasok yung unggoy na yun sa usapan. 

     "Sorry talaga Kitty..." 

     "Hindi kita maintindihan." sabi ko. 

     "Pinlano namin ni Harvey ang lahat." 

     Pagkatapos ay kinuwento nya ang lahat ng kalokohan na ginawa nila ni Harvey. Akalain niyo yun? Nagawa niya pang isama yung isa na yun dito? Wow lang ha! Partner's in crime pa yung dalawa.

     "Sorry talaga..." nakayuko pa din nun si Mimi. 

    Hinawakan ko ulit yung kamay niya.

     "Ano ka ba? Naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa ang lahat ng yun eh. Ayaw mo lang akong masaktan, and I thank you for that... For being such a good friend." sabi ko. 

     "Eh si Kayden... napatawad mo na ba siya?" 

     "Ibang usapan na yun Mimi. Niloko niya ako." sabi ko. 

     "Pero panu kung mahal ka din pala niya?" 

     "Saan nga pala tayo pupunta?" iniba ko na yung usapan.. 

      Pumayag na akong sumama kay Mimi tutal naman ay matagal na akong hindi nakakapag bakasyon. Saka nakakahiya naman sa kanya  eh mukhang planadong planado niya na itong bakasyon na ito eh. Pinaalam niya na din ako kay papa.

     "WAW HA!" yan nalang ang nasabi ko. 

     Nasa tapat lang naman kami ngayon ng chopper na maghahatid sa amin dun sa isla nila.

     "Yaman natin ha..." siniko ko si Mimi. 

     "Ano ka ba? Hindi sakin to." sabi ni Mimi. 

     "Eh kanino?" 

     "Sa fiance ko." 

     "FIANCE???? At kailan ka pa nagkaroon ng fiance babae ka! Di ka man lang nagsasabi sakin. Ang bata bata mo pa ha." 

     "Err nagulat nga din ako eh. Sila papa kasi eh. Wala na akong nagawa." sabi niya. 

     "Di mo man lang kinuwento sakin." 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now