Chapter 62: >////<

4.1K 62 3
                                    

Ayan... Dahil hindi ko alam kung kailan ulit kami magkaka internet at baka pumunta kami sa isang deserted island na walang signal sa mga susunod na araw ay lulubos lubusin ko na ang pag UD ko ngayong araw na ito. Bait ko noh..?

*****************************

Chapter 62: >////<

{Part II po ito ng HarMi Special natin.. Kaya sana po ay magustuhan niyo na. Gusto kong bumawi sa inyo sa walang kwenta kong UD last chappy eh}

(Mimi's POV)

Np: Out of my League

It's her hair and her eyes today

That just simply take me away

And the feeling that I falling further inlove

Makes me shiver but in a good way

Aissshhhh >.<

Sino ba tong tumatawag...

Ang sarap ng tulog ko eh...

Time check: 12:01  

Nuh bayen...

Harvey calling....

O___________________O

Halos mahulog ako sa kama ko swear!!!

Hindi parin talaga mawala wala ang epekto ng lalaking to sakin!! Kainish

"Hello."

{Nagising ba kita?}

"Ay hindi!! Kaluluwa ko lang tong nagsasalita ngayon." oha!!

Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising!!

{Pasensiya na... Sadyang wala na talaga akong malapitan eh.}

"Pinagsasabi mo?" tanong ko.

{Nandito ako sa labas ng bahay niyo.}

O______________O

Kung kanina ay muntikan lang akong mahulog sa kama ay ngayon sapul na sapul na yung pwet ko sa sahig!! As in...

Patakbong sumilip ako sa may bintana...

Nandun nga yung kotse nung hayup!!

"Anong-"

{Labas ka dito.}

"Wow ha!! Ayoko nga."

{Kakatok nalang ako.}

"Siraulo ka! Tulog na lahat ng tao dito aabalahin mo pa."

{Labas ka na kasi.}

"Oo na! Sandali."

Binaba ko na yung cellphone...

Naka pj's lang ako. Pero hayaan na nga... Saglit lang naman siguro to... Kumuha nalang ako ng jacket.

Dahan dahan akong lumabas ng bahay at pumasok sa kotse niya...

"Ano ba kasing kailangan mo at susugod ka dito sa bahay namin ng madaling ar- teka? anong nangyari sayo?" napansin ko kasing may pasa sa may gilid ng labi niya.

"Wala to."

"Anong wala? Sinong may gawa niyan sayo? Nakipag away ka ba?" tanong ko.

Nakakapagtaka lang!! Hindi naman siya yung tipong nakikiabasag ulo... Saka ng ganitong oras?

Hinawakan ko yung pisngi niya at tiningnan yung pasa... Di naman siya amoy alak... Pero ano kayang poblema ng lalaking to.

"Kung gusto mo ng kiss sabihin mo lang." sabi niya sabay smirk.

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now