Chapter 73: Hardin de Carolina

4.1K 65 2
                                    

Chapter 73: Hardin de Carolina

(Kitty's POV)

Yehey! :)

Excited na talaga ako...

Napaaga ata yung gising ko dahil tulog pa yung room mate ko nung gumising ako.

Masyadong excited?

Hehehe...

Gusto ko na kasi talagang makita yung lugar na yun.

Kinuwento na kasi sakin ni Ninang dati yung lugar na yun. Dun daw nagkakilala sa mismong lupa na yun yung mga magulang niya w/c is sina Lola Carolina.

Isang simpleng magbubukid lang nun si Lolo Ferdinand at isang kolehiyala sa Manila si Lola Carolina na noon ay nagbakasyon lang dito. At sa mismong lupang kinatitirikan ng Hardin de Carolina sila unang nagkita at madalas na palihim na nagtatagpo.

Pero nung nalaman ng mga magulang ni Lola Carolina yung tungkol sa kanilang dalawa ay gumawa sila ng paraan para ilayo si Lola Carolina. Dinala siya sa amerika.

Habang si Lolo Ferdinand ay naiwan dito. Pero kahit ganun ay di nila nalimutan ang isa't isa. Sa katunayan ay nagsumikap si Lolo Ferdinand para maging matagumpay. Hanggang sa nabili niya yung lupang madalas nilang pagkitaan noon ni Lola Carolina.

Ginawa niya itong isang Hardin na punong puno ng magagandang bulaklak dahil mahilig si Lola Carolina sa bulaklak noon.

At dahil likas na mahilig sa bulaklak si Lola Carolina ay ang hardin na yun ang dahilan upang muli ulit silang magkita.

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now