Chapter 51: The Confused Debutant

4.5K 64 5
                                    

(Kitty's POV) 

     Nakakaasar naman ang Sapphire na yun eh. Pinaalala pa sa akin na debut ko ngayon.  Pagbaba ko sa kusina ay as usual kumakain na sila ng agahan. 

     "Good morning!" bati ko. 

     Pero pinagpatuloy lang nila yung ginagawa nila. Si Papa tanggap ko pa eh. Hindi ito ang unang beses na nakalimutan niya ang birthday ko. Pero si Warren? Lalong lalo na sina Ninong at Ninang? 

     Nung bata ako ay palagi silang may regalo sa akin tuwing birthday ko eh. Nakalimutan na kaya nila?  

     Kahit sa phone ko, walang text messages na bumabati sa akin. Wag nyo sabihing pati yung iba nakalimutan na rin na birthday ko ngayon? 

     Parang may kutob akong magiging malungkot ang birthday na ito ah. To think na this is my debut. Hayyy. Hanggang paglabas ko ng gate ay malungkot ako.

     Si Kayden kaya? Alam kaya nun na birthday ko ngayon? Asa, yun pa mag abalang alamin ang birthday ko? 

     Inantay ko na siya sa labas ng gate tulad ng lagi kong ginagawa. After 15 minute ay wala pa din. Matext na nga lang.

To: Kayden 

Mhine, susunduin mo ba ako ngayon?

From: Kayden 

Oo wait lang! May inutos lang si mama

     Haaay salamat! Buti nalang, magagalit talaga ako kung hindi niya pa ako masusundo ngayon. Teka? Sinabi ba niyang mama? Ibig sabihin nandito si Tita Grace? Wow naman! 

After 5 minutes... 

     Ang tagal naman nun oh! Biglang may puting van na tumigil sa tapat ko.

     "Sumama ka sa amin!" biglang bumukas yung pintuan ng van. 

     "Anong kailangan nyo?" tanong ko. 

     May tatlong lalaki sa loob na puros mukhang bouncer. Creepy! 

     "Wag ka ng magtanong! Sumama ka nalang!" 

     Bumaba yung isa sa kanila at pilit akong tinutulak na ipasok sa loob ng van.

     "ANO BA? ANONG GINAGAWA NIYO? BITIWAN NIYO AKO!" sigaw ko. 

     Natatakot na talaga ako...

     Ito ba yung napapanuod ko sa balita na kikidnap-in nila tapos kukuhanan ng lamang loob tapos makalipas ang isang linggo ay iiwan nalang sa labas ng bahay yung bangkay na may kasamang pera?  Waaaahhhhh! 

     Nasaaan na ba yung hayup na Kayden na yun? Kung dumating lang siya ng mas maaga ay hindi ako mapupunta sa sitwasyon na ito.  Yun talaga ang unang una kong mumultuhin. Humanda siya sakin!

    Dahil puros malalaki ang katawan nila ay walang kahirap hirap na naipasok nila ako sa loob ng puting van. 

     "WAAAHHHHH!MAAWA PO KAYO SAKIN! HINDI PO KAMI MAYAMAN WALA PO AKONG MAIPAPARANSOM SA INYO!" sabi ko sa kanila. 

     "Ano ba? Ang ingay ingay naman nIyan! Patahimikin niyo nga yan!" sabi nung driver. 

    Tapos naramdaman kong may tinakip silang panyo sa mukha ko. Maya maya lang ay tuluyan ng naging black ang buong paligid.

    Hmmmm??? 

    Teka? Nasa langit na ba ako? Puro puti yung nakikita ko sa paligid eh. Siguro nga langit na to? Ang bilis naman ng naging existence ko sa mundo.

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now