Chapter 8: "Please come back to me."

6.7K 97 2
                                    


Chapter 8: "Please Come back to me" 

( Kayden's POV ) 

     Kaasar! Bakit pumayag si Kitty na sa bahay nila tumira yung bestfriend niyang lalaki? Kahit sabihin na bestfriend lang yun... lalaki padin yun. Ano nalang ang iisipin ng mga tao? Hindi ba nila naisip yun?

     Ilang taon niya ding hindi nakita yun. Pano kung saktan sila nun? Panu kung rapist pala yun? Panu kung... aisssshhhhhhh!   

     Ano ba tong nangyayari sakin? Naprapraning na ata ako eh. Nagmamaneho ako ngayon pauwi na sa bahay... kahahatid ko palang kay Kitty at dun sa bestfriend niyang lalaki sa bahay nila. Aissshhhhhh!!!!!!! Naaasar nanaman ako pag naaalala ko. 

     Maya maya ay may tumawag sa cellphone ko. Kinuha ko yung headset ko. Mahirap kasing makipag usap sa phone habang nagmamaneho.

     Sino kaya to? Unknown number. 

     "Hello?" ako. 

     "Hello Kayden? Si Sapphire to!" sabi nung nasa kabilang linya. 

     "Sapphire? Panu mo nakuha number ko?" ako. 

     "Hindi na mahalaga yun. Kailangan kita... kailangan kita ngayon!" sabi nung nasa kabilang linya. 

     "Sapphire, lasing ka ba??" ako. 

     Narinig kong nag smirk yung nasa kabilang linya... lasing nga!

     "Sapphire, nasan ka? Pupuntahan kita!" sabi ko. 

     "Nandito ako sa bahay... bilisan mo hindi ko na kaya." yun lang pagkatapos ay binaba na nito yung telepono. 

     Pinaharurot ko na agad yung kotse ko papunta sa bahay niya. Kahit hindi niya nabanggit yung bahay niya ay alam ko naman kung saan siya nakatira. Maya maya lang ay nasa tapat na ako ng bahay niya. Nagdoorbell ako.

dingdong 

     Pero walang sumasagot. Kinabahan tuloy ako. 

     Ano na kayang nangyari dun?

     Binuksan ko nalang yung gate mula sa loob.  Madali lang naman ilusot yung kamay dun ehh. Pagdating ko sa may pinto ay kumatok ako. 

toktoktok 

     "Sapphire si Kayden to! Okay ka lang ba?" ako. 

     Maya maya ay bumukas yung pinto. Nakita ko si Sapphire... pulang pula yung mukha niya.  Malamang ay dahil sa alak... nangangamoy alak din kasi siya eh. 

     Ngumiti siya sakin.

     "Natutuwa ako at dumating ka! Tuloy ka." 

     Pagpasok ko sa sala ay nakita ko ang mga bote ng alak na nagkalat sa sahig.

     "Sapphire, kailan ka pa natutong uminom ha?" ako. 

     Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

     "Mahal na mahal padin kita Kayden!" sabi niya. 

     "Sapphire lasing ka lang!" sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa pagkakayakap sakin. 

     Humarap ako sa kanya. 

     "Totoo yun! Kaya ako bumalik para sayo. Narealize ko na balewala ang buhay ko kung wala ka." sabi niya. 

     "May girlfriend na ako." sabi ko. 

     "Kayden! Hindi ba pwedeng ako nalang? Ako nalang ulit?" si Sapphire. 

(yes.... john lloyd and bea ang peg??) 

     "Sorry." sabi ko. 

     "Hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya. 

     "Hindi ko alam." sabi ko. 

     Sa totoo lang.... siya lang ang babaeng minahal ko ng sobra sobra. Kaya lang siya din ang babaeng nanakit sa puso ko ng sobra sobra. At hanggang ngayon ay nandun padin yung sakit... 

(flash back) 

     "Honey! Happy Monthsary!" sabi ko sabay abot ng roses sa girlfriend ko. 

     Nagsmile siya sakin... nandun kami nun sa isang first class na restaurant. Walang ibang tao... kami lang dalawa. Inupahan ko kasi yung restaurant na yun para lang saming dalawa ng babaeng pinakamamahal ko.

     "Honey, may problema ba? Bakit hindi ka umiimik?" tanong ko sa kanya. 

     "Honey," si Sapphire. "Tumawag kasi yung producer na nakausap ko nung isang araw, yung taga hollywood. Meron daw siyang pelikula para sakin. Kailangan kong pumunta sa America bukas. Next week na kasi yung simula ng shooting namin." 

     "Aalis ka? Kailan ka babalik?" tanong ko. 

     "Hindi ko alam." sabi niya. 

     "Pano tayo?" tanong ko. 

     "Sabi sakin nung manager ko... kung gusto ko daw sumikat dapat na daw kitang kalimutan." sabi niya. 

     "Ipagpapalit mo ako sa kasikatan?" tanong ko. 

     "Sorry." 

     Pagkatapos nun ay bigla nalang siyang umalis... 

     "Honey wait!" hinabol ko siya kaya lang ay nakasakay na siya ng taxi. 

     Sumakay ako sa kotse at hinabol ko siya. Sa kahahabol ko sa kanya ay di ko napansin ang isang truck na papalapit sa akin.

bboooogggssssshhhhhh

     Nagising ako pagkalipas ng tatlong buwan sa ospital. Akala daw ng mga magulang ko ay hindi na ako magigising kahit na kailan. Nalaman ko din na sumisikat na si Sapphire sa ibang bansa... at never niya akong dinalaw sa ospital.

     Mula noon ay wala na akong balita sa kanya... At never niya akong dinalaw sa ospital. 


---------------------end of chapter------------------- 


yun lang po muna sa ngayon.... hanggang sa susunod na kabanata...


In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now