Chapter 53: Surprise! Surprise!

4.4K 67 4
                                    

(Kayden's POV) 

     Haaayyyy. Salamat naman at nagustuhan niya. Except nga lang dun sa kidnapping na part,  gagu kasing Harvey yun eh. Mag sasuggest nalang yung may pagka sadista pa. Natakot siguro talaga yung mhine ko. 

     Nandito na ako sa table ngayon. Napagod ako sa pag sayaw kanina eh. Antagal kaya namin dun. Tinapos namin yung isang kanta.

*Phone ringing* 

Kuya Francis calling... 

    Pinatay ko nalang yung phone ko. Malamang ay kukulitin lang ako nun tungkol sa pagpunta ko sa states. Ayoko munang isipin yun ngayon. Dapat ay i-enjoy ko lang muna tong araw na to. Birthday to ni mhine ko eh. 

    Speaking of...  asan na ba yun? Kumuha lang yun ng pagkain kanina eh.

    "Nandito na ako." -Kitty 

     "Andami naman niyan? Hoy! Andaming tao, dito ka pa nag desplay ng katakawan mo." biro ko. 

     "Eh sa gutom ako eh! Kasalanan mo ang lahat ng to! Alam mo bang hindi ako pinakain ng mga kumidnap sa akin?" -Kitty 

     *Kamot ng ulo 

    "Sige na, kumain ka na diyan." -ako

     Susubo na sana siya ng biglang naupo sa table namin si mama.

    "Happy Birthday hija!" 

     Mukhang disappointed yung mukha niya. Malapit na niyang maisubo eh. 

     "Alam mo bang umuwi pa ako from San Francisco nung malaman ko na debut mo pala." -mama 

    "Naku! Salamat po Tita Grace!" -Kitty

    "Bueno! Hindi ko na kayo iistorbohin, pupuntahan ko lang si Carla, antagal kong hindi nakita yun eh." 

    Yung mama ni Warren yung tinutukoy niya. Akalain niyo yun, kaibigan pala ni mama yun? Buti nalang talaga, kundi dahil doon ay baka hindi ko nakuha ang approval nila.

     Pagkaalis ni mama ay sina Ate Denise at Sir Owen naman ang sumunod na umupo sa table namin. 

    "Happy Birthday Kitty!" nag chorus pa yung dalawa. 

     "Nagustuhan mo ba yang gown mo?" -Ate Denise

     "Sobra po! Naalala ko ito yung design niyo dati. Gustong gusto ko talaga siya." -Kitty 

     "Ako mismo ang nag tahi at nagburda ng mga detalye niyan! Pinag puyatan ko pa talaga yan." -Ate Denise

     "Kitty, yung regalo ko ang una mong buksan mamaya ha! Magugustuhan mo talaga yun malamang." -Sir Owen  

     "Sige, una na kami ha! Nakakaistorbo na ata kami eh." -Ate Denise

     Paalis palang yung dalawa ay namataan ko na yung mag fiance na papalapit samin. Siguro alam niyo na kung sino sila. (HarMi) 


(Kitty's POV) 

     Haaay salamat! Makakakain na ako sa wakas! 

      Isusubo ko na yung pagkain na kanina ko pa gustong gustong matikman ng bigla naman akong hilahin nitong si Kayden patayo. 

     "Hoy! Kakain pa ako!" 

    "Mamaya nalang yan."

    "Huh?" 

     Parang wala lang siyang narinig at nagtuloy-tuloy sa pag hila sa akin. Nakakainis naman oh! Gutom na ako eh. 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now