Chapter 42: Meeting Him

204 9 0
                                    

Juskopo! Sana hindi iyon tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Juskopo! Sana hindi iyon tao.
Dahan-dahan akong pumunta sa kinaroroonan ng kaluskos saka nakita ang isang cute na koneho.

"Hay! Salamat naman. Akala ko kung ano na." Nakahinga ako ng maluwag sa aking nakita.

Nahiya naman ako sa pinaggagagawa ko.

"Ikaw ha! Sinisilipan mo ako noh?" tanong ko sa koneho.

Para akong baliw.

"Tapos na ang live show kaya umuwi ka na. Shoo! Shoo!" Taboy ko sa koneho, bigla naman itong tumakbo palayo.

Nabaliktad na ang dapat mabaliktad siguro naman makakalabas na ako sa lugar na ito.

Nagsimula na naman akong maglakad. Sa paglalakad ko ay nakita ko na naman iyong koneho kanina.

"Ano na naman ang ginagawa mo diyan? Sinabing wala ng live show e at mas lalong wala ng take two!" bulyaw ko.

Natakot naman ito sa sigaw ko kaya mabilis itong tumakbo palayo.

Naglakad na ulit ako ngunit nakasalubong ko na naman siya.

"Seriously? Kung type mo ako. Sorry ka na lang kasi may asawa na ako at dito rin siya nakatira sa bundok na ito. Naku! Kapag nakita ka no'n na umaaligid sa akin, sige ka! Mamamatay ka."

Nababaliw na ako. Kinakausap ko ang isang koneho.

Naalala ko naman iyong dalawang matabang koneho na dinala nina Manuel at Miguel na pinilipit ni Miguel na parang wala lang. Kaloka!

Naglakad na lang ulit ako at tiningnan ang mapa. Nasaang bahagi na kaya ako ng bundok? Wala pa naman akong dalang compas. Ang bobo ko talaga.

Manuel's Pov

Ang hindi alam ni Bella ay kanina ko pa siya sinusundan.

Mabuti na lang at umuwi na si Miguel kung hindi ay nakita niya rin ang paghuhubad ni Bella.

Ano kayang pumasok sa kokote niya at bigla siyang naghubad at binaliktad ang suot niyang damit?

Mabuti na lang at ako lang ang nakakita. Ang ganda talaga ng asawa ko este si Bella pala. Isa lang ang masasabi ko mas lalo siyang gumanda ngayon.

Nang bigla akong natumba sa pinagtataguan ko kaya dali-dali akong tumakbo at nagtago sa kabilang puno.

Mabuti na lang at nakaalis agad ako at saktong may konehong malapit sa pinagtataguan ko kanina kaya siya ang nakita ni Bella.

Naningkit naman ang mga mata ko nang bilang kinausap ni Bella ang nakitang koneho.

Nabaliw na ba ang asawa ko? Este si Bella? Kasi nga diba matagal ng patay ang asawa ko.

Hindi siguro siya pinapakain no'ng King, iyong bago niya kaya siya nagkaganyan. Kawawang Bella.

Pero may sinabi siya sa koneho na nagpatigil ng mundo ko.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon