Manuel's Pov
TATLONG TAON, tatlong taon kaming nanahimik. Dalawang taon silang hinanap. Isang taong pinasubaybayan.
Sa dalawang taong paghahanap ko ay sumuko na ako. Iyong mga panahong hindi ko talaga siya makita ay pinanghinaan na ako ng loob.
Ayoko na. Suko na ako. Wala na talaga.
Sa loob din ng tatlong taon ay nawala rin si Duke kaya iyon ang pinagtuunan ng pansin ng pamilya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin namin siya nakikita.
Malaking hinanakit at kawalan sa amin ang pagkawala ni Duke na parang bula dahil isa siyang Evans. Malaking kalapastanganan ang pagtalikod sa buong angkan.
Nitong nakaraang linggo ay na trace naming lumipad papuntang Boston si Duke kaya lumipad na rin ang pamilya niya kasama ang iba.
Isang kahihiyan ang pagtalikod sa pamilya ngunit hahanapin pa rin namin siya at papatawan ng kaakibat na kaparusahan.
Sa asawa ko naman. Hindi ko mawari itong nararamdaman ko ngayon lungkot, galit at poot ngunit umaasa pa rin ako na balang araw babalikan niya ako. Na magkukusa siyang babalik sa piling ko ngunit parang malabo na ata iyon, kasing labo ng pagputi ng uwak. Ang tagal ko ng naghihintay sa wala. Ngayong wala na ang kaso ay malaya na namin silang mababalikan ngunit ayoko na.
Nasa labas ako ngayon at nagsisibak ng kahoy nang biglang dumating si Miguel dala ang isang balita.
"Kuya Manuel may magandang balita ako sa asawa mo. Ang sabi noong tauhan natin pumunta raw si Bella sa PSA."
"Ganoon ba, ano naman ngayon?" walang gana kong tanong.
"Kumuha raw ito ng cenomar, siguro tinitingnan no'n kung totoong kinasal ba talaga kayo."
"Ano ngayon? Wala na akong paki sa kanya."
"Hindi ba natin sila pupuntahan sa mga bahay nila? Ito na ang pagkakataon kuya! Matagal din silang tinago noong Lucas McKenzie na iyon. Akala siguro ng gagong 'yon ay hindi pa natin alam ang mga bahay nila."
"Tsk! Huwag na. Para ano pa?"
"Kuya Manuel naman! Pwede mo ng kunin ang asawa mo."
"Wala na akong pakialam sa kanya. Patay na ang asawa ko Miguel! Namatay na siya sa puso ko simula noong iniwan niya ako."
BINABASA MO ANG
The Psycho Brothers (On-going)
Mystery / ThrillerMt. Canen Isang masayang camping trip ng Salazar University. Ngunit paano kung ang isang masayang trip ay maging bangungunot para sa tatlong magkakaibigang Bella, Bea at Ashely. Isang bangungunot na magpapabago ng mga buhay nila. Na sa napakagandan...