Mt. Canen
Ang akala ng mga kaibigan ko ay nag out of town lang kami ng anak ko para mawala ang stress sa katawan ko
pero ang hindi nila alam ay pumunta ako sa Mt. Canen.I've been through a lot sa bundok na ito. Dito ako mas hinubog para maging matatag sa hamon ng buhay.
Ang anak ko naman ay ibinilin ko kila nene. Kilala ko naman ang mga magulang ni nene at masasabi kong mabubuti silang tao. Doon muna ang anak ko para makasiguro akong ligtas siya kasi walang maghihinalang sa kanila ko ibinilin si King.
Kasalukuyan nga ako ngayong nakatanaw sa napakagandang bundok. Sa ganda ng bundok na ito ay hindi mo aakalaing may misteryong nababalot dito. May pamilya na kinatatakutan. May mga batas at prinsipyo na hindi makataong pinaiiral.
Sana naman sa pagpasok ko dito'y mahanap ko ang mag-asawa at mailigtas sa kamay ng mga Evans.
Kinapa ko muna ang baril na dala ko saka inilagay ang hawak kong cellphone sa suot kong boots. Sana matapos na ang kahibangang dulot ng pamilyang iyon.
"Ang mission ay kunin sina Bea at Jerome wala ng iba."
Huminga muna ako ng malalim.
"Kaya ko ito! Gabayan niyo po ako panginoon sa haharapin kong kalbaryo," panalangin ko bago pumasok sa bundok.
Nagsimula na akong maglakad dala-dala ang malaking backpack saka may hawak rin akong mapa para hindi ako maligaw at para madaling matuntun ang labasan.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa malapit ng magdilim kaya napagpasyahan kong bumalik na lang pababa ng bayan nang sa di-inaasahang pagkakataon ay bigla akong nadulas dahil sa grasa na nasa lupa dahilan para magpagulong-gulong ako.
Paanong nagkagrasa ang lupa?
"Aahh.. Aray! Aray! Aray! Putek! Ang sakit ng katawan ko!" daing ko.
Nagkasugat-sugat ang braso at tuhod ko. Kung hindi ba naman ako lampa. Bakit may grasa ang lupa?
"Ang sakit talaga," daing ko ulit, namanhid yata ang buong katawan ko.
Kinuha ko naman ang emergency kit sa bag ko at ginamot ang mga galos ko.
Napagpasyahan kong magpalipas na lang ng gabi kaya naghanap ako ng lugar na mapagpapahingahan.
Inayos ko naman ang maliit kong tent. Nang matapos ay gumawa na ako ng apoy.
Habang tinitingnan ko ang apoy ay
naalala ko naman iyong araw na naligaw kami nina Ashley at Bea. Gumawa rin kasi kami ng bonfire noon nang biglang dumating sina Manuel at Miguel.Ang tanong darating din kaya ngayon si Manuel? Namimiss ko na ang asawa ko. Kahit naman ganun iyon ay mahal ko iyon.
"Erase! Erase! Erase! Umayos ka Bella. Ang mission mo ay makuha ang mag-asawa," sabi ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Psycho Brothers (On-going)
Mystery / ThrillerMt. Canen Isang masayang camping trip ng Salazar University. Ngunit paano kung ang isang masayang trip ay maging bangungunot para sa tatlong magkakaibigang Bella, Bea at Ashely. Isang bangungunot na magpapabago ng mga buhay nila. Na sa napakagandan...