Prologue

835 107 192
                                    

Mt.Canen

Magdidilim na ngunit paikot-ikot pa rin ang tatlong babae sa kagubatan hinahanap ang kanilang camp site.

Bella's Pov

"Makakabalik pa kaya tayo sa camp site? Mga babae pa naman tayo! Paano kung may ahas dito?" takot na sabi ni Ashley.

"Tumigil ka nga diyan, tinatakot mo lang ang saliri mo Ashley," sabi ni Bea na napupuno na sa kaibigan.

"Masisisi mo ba ako? Malapit na kayang magdilim syempre natatakot ako."

"Huwag ka nga diyan, Ashley. Lahat tayo ay takot pero huwag kayong mag-alala makakabalik tayo pangako iyan," assurance ko sa kanila.

"Ikaw kasi, eh! Bakit kasi pumuslit-puslit pa tayo!" ngawa ni Ashley sabay tingin ng matalim sa nagpasimuno.

"Tama na guys!" saway ko.

"Ikaw kasi Bea, eh! Maypa adventure-adventure seeker ka pa', tingnan mo tuloy nangyari sa'tin!" sumbat ni Ashley kay Bea.

"Huwag na nga kayong magbangayan diyan wala na tayong magagawa. Ang mabuti pa ay gumawa na lang tayo ng sulo para madali nila tayong mahanap."

"Magandang ideya Bella," nakangiting sabi ni Bea.

"Hahay pagod na ako! Dito na lang tayo gumawa ng bonfire," sabi ni Ashley na sinang-ayon naman namin.

Narrator:
Ang hindi alam ng mga babae ay may mga matang nakatingin sa kanila.
Dalawang lalaking nakasunod at nagmamasid sa mga galaw nila.
Parang isang leon na naghihintay ng tyempo para sunggaban ang daga.

Nag-uusap ang magkakaibigan ng biglang may dumating..

Bella's Pov

"Magandang gabi sa inyo mga binibini," nakangiting bati ng lalaking bagong dating.

"Kyaah! Ligtas na tayo!" sigaw ni Ashley.

"Ako nga pala si Miguel at ito naman ang kuya kong si Manuel."

"Omg besh! Ang popogi!" Mahinang sabi ni Ashley habang sinisiko ako.

"Actually napadaan lamang kami.
M-May hinahanap kasi kami at saktong nakita namin ang ilaw ng inyong sulo kaya naparito kami," nakangiting sabi ni Miguel.

"Maraming salamat! Makakaalis na rin kami dito," pasalamat ni Bea.

Pero bakit parang may iba akong pakiramdam sa dalawang ito!
Naghahanap sila pero bakit wala silang dalang sulo? At ang weird ng mga ngiti no'ng Miguel.

"Ano bang hinanap niyo?" tanong ko.

Tumingin naman iyong Manuel sa akin at napaatras ako bigla. Ang cold kasi niya kung makatingin parang papatayin niya ko.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon