Chapter 19: Girls vs. Lions

275 49 9
                                    

Nandito na kami ngayon sa kagubatan, hinihintay sina David, Matthew at Duke

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nandito na kami ngayon sa kagubatan, hinihintay sina David, Matthew at Duke. Sila kasi ang nanghunting ng mga leon sa kagubatan ngunit ginamitan lang nila ito ng tranquilizers, pampatulog sa mga leon.

Pwedeng patayin na lang namin sila habang tulog? huhuhu..

Tinuruan naman kami kahapon nina Manuel at Miguel gumamit ng dagger at pana, pursigido talaga kaming matuto. Si Bea naman ay madaling natuto arnis kids kasi yan nong kabataan.

"Talasan niyo ang senses niyo, calculate the moves of the leon and shoot it with your dagger's," buong sabi ni Manuel.

"Wag kayong pakakagat. Always remember that miracles start to happen when you give as much energy to your dreams as you do to your fears. So conquer your fears girls at galingan niyo!" sabi ni Miguel.

Nabuhayan naman ako sa sinabi ni Miguel. Hoo! Huminga muna ako ng malalim.

Conquer my fears!

Dumating naman ang tatlong lalaki pasan-pasan ang tatlong malalaking leon.

Hala! Nakaya nilang pasanin ng ganun-ganun lang? Kaloka!

"Kinakabahan ako Bella," nanginginig na sabi ni Bea.

Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Wag kang mag-alala hindi kita pababayaan!" paninigurado ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at niyakap ako.

"Makakaalis tayo dito, pangako!" bulong ko.

Kumawala naman siya at naguguluhang tumingin sakin kaya nginitian ko nalang siya, giving her an assurance.

Pangako yan!

"Okay girls pumunta na kayo sa harap para kapag magising na sila ay kayo ang una nilang makikita," sabi ni Uncle Henry.

"I'm so excited!" Nagpapadyak na sabi ni Stella.

Bwisit excited mo mukha mo!

Tumalima naman kami sa sinabi ni Uncle Henry at pumunta sa harapan ng leon.

My gracious! Ang la-laki nila super! Saang parte ko kaya sila aatakehin para madaling mapatay?

"Bella ang laki nila!"

"Wag kang kabahan natalo nga ni David si gulayat eh! Kaya yun din ang gagawin natin papatayin natin ang mga mababangis na leon nato," sabi ko.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon