Chapter 44: I Love You Manuel

242 15 5
                                    

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na ako at naghugas ng pinagkainan.

Inilibot ko ang kabuoan ng kusina.
"Saan kaya nila itinago ang mag-asawa? Sa basement o di kaya'y sa attic?"

Kailangan kong makapunta sa mga lugar na iyon.

Pumunta muna ako sa labas para tingnan kung anong ginagawa ng dalawa. Umalis na kasi si papa papuntang bayan.

Sumilip ako sa likod bahay at nakitang nagsisibak ang dalawa kaya dali-dali akong nagtungo sa basement
ngunit sa kasamaang palad nakalock ito kaya naging mas malakas ang kutob kong nandito lang sila.

Tinatago lang nila sila sa akin pero bakit? Makikita at makikita ko rin naman sila kasi hindi na naman ako palalabasin sa bundok na ito.

Kaya pinuntahan ko agad ang magkapatid sa labas. Napatigil naman sila ng makita ako.

"Manuel, ilabas niyo na sina Bea at Jerome!" sigaw ko.

"Wala kaming dapat ilabas kasi wala naman talaga sila rito," sagot ni Manuel.

"Hindi ako naniniwala!"

"Bella, totoo ang sinasabi ni kuya. Ano namang makukuha namin do'n sa dalawa?" singit ni Miguel.

"K-Kasi naghihiganti kayo sa akin, sa amin!"

"Sana noon pa Bella gumanti na ako sa'yo. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko no'ng hinanap kita Bella. Para akong baliw kakahanap sa'yo napilitan akong ibigay mga damit ko, makipagtaguan sa mga babaeng mukhang clown pero no'ng mahanap na kita na realize kong masaya ka na. Na iyon ang mundo mo. Ang mabuhay sa siyudad kaya nagparaya ako."

"Manuel.

Hinanap niya ako. Pinuntahan niya ako.

"Tama na! At kung pwede lang umalis ka na sa lugar na ito!" sigaw ni Manuel.

"Pero iyong parusa ko?"

"Huwag mo na iyong isipin, ako ng bahala kay papa. At pakiusap lang Bella. Huwag na huwag ka ng babalik pa."

Parang tinusok ng maraming karayom ang puso ko sa mga salitang binitawan ni Manuel.

"M-Manuel," naluluhang sambit ko.

Ayaw na niya akong makita.

"Kuya, pasok lang ako sa loob," paalam ni Miguel bago umalis.

"Huwag mong isipin na dahil nandito ka na sa teritoryo ay mapapaikot mo na naman ako."

Ang sakit lang! Kung pwede lang sana Manuel.

"Manuel, m-mahal mo pa ba ako?" matapang kong tanong.

"Ewan. Pero ayoko na. Nakakapagod kang mahalin Bella."

"Alam mo ang dahilan ng paglayo ko sa'yo! Gusto kong mabuhay ng normal Manuel at magkapamilya ng normal."

Mabilis kong pinahiran ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko.

"Nang hindi kumakain ng tao ang anak ko! Iyong mga masasarap lang na mga pagkain iyong mga kinakain niya at mabigyan siya ng wastong edukasyon!" paliwanag ko.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon