Chapter 11: Great Escape

301 53 3
                                    

Nakatayo lang ako sa tabi nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatayo lang ako sa tabi nila. Napapalunok sa mga salitang binitawan ni Bea. Walang lumalabas sa bibig ko. Totoo naman kasi, si Ashley talaga! Ang rupok!

"Hindi ko rin alam. M-mabilis ang pangyayari, ang alam ko lang mahal ko si Duke," lumuluhang sabi ni Ashley.

"Tss. Mahal? Big word, Ashley! Hindi ba diyan pumasok sa makitid mong utak na isang baliw at mamamatay tao ang pakakasalan mo?" nanggagalaiting tanong ni Bea.

Ouch! Parang tinamaan ako ng slight sa sinabi ni Bea. Duh! Hindi ko naman 'yon mahal.

Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang galit na galit na si Duke.

Paktay na dis!

Nakita kong tiningnan agad ako ni Duke. Bakit sa 'kin siya nakatingin?

'Hoy! Hindi ako ang umaway sa fiancée mo!' Gusto kong isigaw sa kanya kaya lang walang lumalabas sa bibig ko kaya umatras na lang ako.

Ayoko na ng round two slap! Ang sakit kaya, naiiyak tuloy ako.

Nanginginig ang mga kamay ko habang umaatras habang nakatanaw sa galit na galit na si Duke.

Scary Psycho Bastard! Creepy!

"Sino na naman ang nagpaiyak sa mahal ko?" galit na tanong ni Duke.

Kapag ako talaga ang ituro ni Ashley nako sasabutan ko talaga ang bruha na 'yan!

"KAMI! At bakit may magagawa ka?" matapang na sagot ni Bea. Napatampal na lang ako sa aking noo. Paktay na!

*Pak!*

Isang malutong na sampal ang natanggap ni Bea. Nakita ko namang napatingin sa akin si Duke. Ako na ang susunod kaya napaatras na naman ako. Juskopo!

Lumapit na ito sa 'kin para sampalin ako ngunit bago pa ako masampal ni Duke ay nakahiga na siya sa sahig na may dugo sa labi.

Buti nga sa'yo!

"Anong karapatan mong sampalin ang asawa ko, Duke? Kaya pala may pasa siya sa mukha!" galit na tanong ni Manuel at pinagsusuntok si Duke.

"Pinaiyak niya ang mahal ko! Magbabayad sila!" galit na sigaw ni Duke sabay ganti ng suntok.

Nagsuntokan lang ang dalawa. Dinaluhan ko naman si Bea na nakatayo habang hawak-hawak pa rin ang pisngi niya. Hindi pa rin siguro nakaget-over sa sampal ni Duke.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon