Chapter 28: Stockholm Syndrome

257 31 8
                                    

Nakatulala pa rin akong nakatingin kay Manuel kalaunay napalitan ng galit!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakatulala pa rin akong nakatingin kay Manuel kalaunay napalitan ng galit!

How dare him! Aalis siya ng hindi nagpapaalam?

"Manuel bakit ka nag-iimpaki ng mga gamit mo? Saan ka pupunta?" sigaw ko habang pinipigilan ang pag-iimpaki niya, pero hinawi niya lang ang kamay ko.

"May transaksyon kami sa kabilang isla kaya mawawala ako ng ilang linggo."

"Ano? And without telling me?"

"Sasabihin ko naman sana sayo mamaya!"

"Tss...Ilang linggo ba? Be specific naman Manuel! Aalis ka nalang ng ganun kadali? Ni hindi pa nga natin napag-uusapan ang nangyari sa atin!"

"Ano nga bang nangyari sa atin Bella?"

"Wow Amazing! My Amnesia boy lang ganern?"

"Tss..wag mo nga akong pilosopohin Bella!"

"Ha! Ha! Ha! Ako pa ngayon ang namimilosopo eh ikaw kaya!"

"Tss.. you know what? Aalis na ako!"

"So ganun nalang yun? Matapos may mangyari satin, tatalikuran mo nalang ako ng ganun-ganon nalang?" naiiyak kong sigaw.

"Wag ka ngang o.a jan Bella! Babalik din naman ako dito kapag natapos na ang transaksyon sa kabilang isla!"

"Ba't ayaw mong pag-usapan eh aalis ka na nga dapat ngayon na!" sigaw ko.

"Kasi natatakot ako!"

"Natatakot saan? Diba sinabi ko naman sayong mahal kita! Manuel mahal kita, hindi ko pa ba naparamdam sayo yon?"

"Natatakot ako Bella', Natatakot akong mahalin ka ng lubos kasi alam ko sa sarili kong mahal na mahal na mahal na kita at natatakot akong mawala ka na naman, na iwan mo na naman ako. N-Naiiwan na naman ako katulad ni mama, diba nagpromise ka sakin noon na hindi mo ako iiwan pero anong nangyari? tumakas ka pa rin! Kaya Bella' sana naman mahalin mo ako ng buong-buo hindi lang dahil asawa mo ako kung hindi ay dahil mahal mo talaga ako at tanggap mo ang pagkatao ko!" buong sabi ni Manuel.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon