Chapter 37: Goodbye

227 10 3
                                    

Sumenyas si Miguel sa akin kaya binuhat ko iyong duguang lalaki palabas ng sasakyan habang tinututukan ng patalim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumenyas si Miguel sa akin kaya binuhat ko iyong duguang lalaki palabas ng sasakyan habang tinututukan ng patalim.

"Huwag, Manuel! Please, huwag mo siyang saktan," pagmamakaawa ni Bea.

"Then kiss me!" utos ni Miguel.

Dahan-dahan namang lumapit si Bea at hinalikan si Miguel sa pisngi.

Natawa ako sa ginawa ni Bea. Matagal nang mahal ng kapatid ko si Bea ngunit parang wala talagang pagtingin ang dalaga para sa kanya.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo at galit sa mukha ni Miguel.

"Sinong may sabing sa pisngi mo ako halikan? Magiging asawa na kita kaya natural na sa labi mo ako dapat halikan!"

"P-pero ayokong maging asawa mo, Miguel. Pakawalan niyo na lang kami please."

"Wrong answer, Bea!" galit na sagot ni Miguel bago tumingin ng makahulugan sa akin.

Dahan-dahan kong diniinan ang hawak kong patalim sa mukha no'ng lalaki.

"Huwag! Parang awa niyo na. Wala siyang kasalanan. Hindi niya alam ang tungkol sa inyo. Kahit siya na lang ang pakawalan ninyo, maawa kayo."

"Ano kami, tanga? Wala kaming pakialam sa kanya, hahalikan mo ako o hindi?"

"Hahalikan na!"

Dahan-dahan uling lumapit si Bea kay Miguel at dinampian ito ng halik sa labi ngunit hindi pa nakuntento ang kapatid ko dahil mahigpit niya itong niyakap at mapusok na hinalikan ang dalaga.

Naisip ko tuloy ang asawa ko. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

Matapos ang halikang naganap ay nakita ko na lang na hinimatay na si Bea dahil sa paglagay ni Miguel ng panyo sa bibig nito.

"Let's go home, mahal ko," sabi ni Miguel saka hinalikan ang noo ni Bea.

Bumaling naman siya sa amin.

"Let's go guys!" nakangiting aya ni Miguel bago binuhat si Bea patungong sasakyan.

Binuhat ko na rin ang lalaki at ipinasok sa sasakyan.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang alalahanin ang asawa ko.

"Hmm... pakiurong ng sasakyan!" sigaw ko.

"Bakit kuya saan ka pupunta?"

"Pupuntahan ko si Bella."

"I knew it! Huwag ka nang lumabas pa kuya ihahatid ka na namin."

"Manong, kila Bella po tayo."

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon