Chapter 24: Jealous Husband

276 35 3
                                    

Tumingin naman samin ang lahat dahil sa biglang pagtayo at pagsigaw naming tatlo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumingin naman samin ang lahat dahil sa biglang pagtayo at pagsigaw naming tatlo. Nakita ko namang namilog ang mga mata ng dalawang bisita ng makita kami. Kilalang-kilala namin sila kasi magkaklase kami at boy bestfriend ko si Luke o Lucas Mckenzie katabi niya naman ang girlfriend niyang si Nath o Nathalie Preston ang pinakamaganda sa aming school.

Bakit sila nandito? Hinahanap ba nila kami? Baka sila na ang sagot sa mga dasal namin!

"Kilala niyo ba ang dalawang nakapasok sa ating teritoryo?" Auntie Claire asked.

"Ahmm..!"

Ayaw kong magsalita baka kapag sinabi kong Oo mapahamak pa kaming lahat kaya sumenyas akong wag magsalita.

Lumunok muna ako bago nagsalita.

"Hindi namin sila kilala!" matapang na sabi ko.

Nakita ko namang ngumisi sila.

Tss mga baliw talaga!

"Hahahaha nice try Bella! Alam naming taga Salazar University din sila kaya malamang may malaking posibilidad na kilala niyo sila at di naman kami nagkamali basi sa reaksyon ninyo!" tumatawang sabi ni Michael.

"Hindi mo kami mauuto ng ganun kadali Bella!" nakangising sabi ni Auntie Lucy.

"Halikayo at saluhan kami sa aming pananghalian," nakangiting sabi ni Auntie Claire.

Nakita ko namang nanginginig si Nath at humakbang paatras.

"Anong ginagawa niyo dito? Kasabwat din ba kayo ng mga baliw nato? Ashley ikaw din?!" hysterical na tanong ni Nath habang umiiyak.

"Nath huhu hindi kami kasabat nila!" naluluhang sabi ni Ashley.

Lumapit si Ashley kay Nath. Magka-vibes din kasi ang dalawa. Pareho silang cheerleader ng school.

"Pareho lang din tayong nakapasok sa teritoryo nila at ngayon nga'y bihag na nila tayo!" naiiyak na sabi ni Ashley at niyakap si Nath.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon