Chapter 40: Hopeless

177 8 0
                                    

Hindi talaga ako mapakali kaya pinuntahan ko agad si Luke para humingi ng tulong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi talaga ako mapakali kaya pinuntahan ko agad si Luke para humingi ng tulong. Iba na talaga kasi ang kutob ko.

Nandito ako ngayon sa kompanya ni Luke. Pinapasok naman agad ako ng sekretarya ni Luke.

"Luke..."

Nakita kong busy siya sa pagpipirma ng mga papeles.

Oopss! Bad timing yata ako kaya tumalikod na lang ako.

"You can't just come into my office and then go, so what's the catch?"

Nanginig naman ako sa boses ni Luke. Alam ko kasi ang mga ganyang tono niya. It's either galit siya o naiirita. Putek! Bad timing talaga.

"B-Babalik na lang siguro ako sa ibang araw Luke kapag hindi ka na busy," sagot ko bago pilit na ngumiti.

"Common, Bella. Si King ba? Anong nangyari kay King?"

"Hindi si King. Ahm... manghihingi sana ako ng tulong sa'yo."

"Tulong? Para saan?"

"Magpapatulong sana ako sa mga tauhan mo na hanapin sina Bea at Jerome sa Mt.Canen."

"What? Are you out of your mind Bella? How come na naisip mong nandoon sila sa impyernong bundok na iyon e nasa Indonesia naman sila!"

"Hindi kasi ako mapakali, Luke. I have this strong feeling na nandito lang sila sa pilipinas. Please Luke tulungan mo ako."

"Bella, ano na naman ba ito? Dahil ba talaga ito kay Bea at Jerome o gusto mo lang makita si Manuel?"

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Aaminin ko may part sa akin na gusto kong makita ang asawa ko. Miss na miss ko na siya.

"There! Napatigil ka! So, I'm right all along. Hindi mo pa rin pala nakakalimutan si Manuel. Hindi ba dapat sa mga panahon ngayon Bella ay dapat nakamove-on ka na?"

"Ano ka ba naman Luke. Hindi si Manuel ang ipinunta ko rito kung hindi si Bea."

"Si Bea nga ba talaga? Alam mong prinoprotektahan ko ang pagkatao ni King, Bella. Mahal ko ang anak mo kaya ayaw kong makuha siya ni Manuel."

"Tama na Luke."

"Hindi e mahal mo pa si Manuel."

"Oo, aaminin ko mahal ko pa si Manuel. Walang oras, minuto o segundo na hindi ko siya minahal."

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon