Chapter 39: They're fine, Are they?

188 13 3
                                    

Magkayakap pa rin kami ni Ashley nang bilang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Magkayakap pa rin kami ni Ashley nang bilang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Nakita kong napatingin si Nath sa caller at napasigaw.

"Aahh! Oh my gosh! Si Bea!"

"Ano? Si Bea?"

Dali-dali kong kinuha ang cellphone para tingnan kung totoo nga at nagalak nang makitang totoong si Bea nga ang tumawag kaya ni loudspeaker ko agad.

"Bea, nasaan ka na ba? Bakit hindi mo man lang kami tinawagan o nakipag-Skype ka man lang?"

"I'm sorry, Bella. Wala kasing signal sa lugar na tinitirhan namin and I'm sorry kasi ngayon lang ako nakatawag."

"Okay lang Bea. Nag-aalala lang talaga kami sa iyo. Nandito rin sina Ashley, Luke at Nath, kailan ka ba talaga uuwi? Na delay ba ang flight ninyo?"

"Bella, ganito kasi 'yan. N-Napagpasyahan namin ni Jerome na dito na manirahan sa Indonesia."

Natulala naman ako sa sinabi niya.
Wtf, sa Indonesia na sila maninirahan?

Nabalik lang ako sa huwisyo nang biglang umiyak si Ashley.

"Ganun-ganun na lang ba iyon Bea? Iiwan mo na lang kami?" sumingot pa si Ashley bago nagpatuloy.

"Wala man lang pasalubong?"

"Hehe baliw ka talaga Ashley. Nakausap ko na sila mommy at daddy. Tanggap naman nila ang desisyon ko na dito na manirahan sa Indonesia. Huwag kayong mag-alala okay lang kami dito ng asawa ko."

"Bakit parang ang bilis naman ng desisyon ninyong tumira diyan? Kasing bilis rin ng pagpapakasal ninyo ni Jerome. Ano ba talagang nangyayari Bea?"

"M-Mahal na mahal namin ang isat-isa Bella kaya napagpasyahan naming madaliin na lang ang kasal tutal gusto na rin naming tumira sa ibang bansa."

"Nang hindi man lang nagpapaalam maski isa sa amin? Grabe ka Bea! Grabe ka! Hindi mo man lang kami inisip. Mga pamilya mo na rin naman kami, ah!" hysterical na tanong ko.

"I'm sorry, okay! It happened so fast, all I know is that I'm inlove. So, I'm sorry! I'm sorry!" paliwanag ni Bea habang umiiyak.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon