Chapter 47: Realization

128 10 3
                                    

Bella's Pov

Umaga na nang magising ako at ang bigat na naman ng katawan ko. Naiiyak na napatingin na lang ako sa ceiling, inaalala ang nangyari kahapon. Akala ko talaga 'yon na ang katapusan ko. Parati na lang ba akong gigising ng may masakit sa katawan ko?

Ang hirap. Ang hirap umasa sa taong hindi ka man lang kayang ipagtanggol. Wala na ba talagang pag-asa?

Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Manuel.

"Mabuti at gising ka na, may dala akong pagkain."

"Ayokong kumain," walang ganang sagot ko.

"Kailangan mong kumain Bella para bumalik agad ang lakas mo."

"Para ano? Para parusahan niyo na naman ako? Huwag na lang!"

"Bella iyon ang batas namin. Na kapag may nilabag ka ay may kaakibat itong kaparusahan."

"P*tang*nang batas na 'yan! Anong gusto mo Manuel? Ang mamatay ako rito?"

"Bella alalahanin mo, ikaw rin ang gumawa niyan sa sarili mo. Kung hindi ka tumakas ay hindi sana 'yan nangyari sa'yo."

"Wow! Just wow! Alam mo Manuel may na realize ako. Ang hirap pa lang ipaglaban yung bagay na alam mong matatalo ka lang sa huli. Kung sana ay... umalis na lang ako."

"Bella, huwag na huwag mong sasabihin 'yan. Nangako kang hinding-hindi mo ako iiwan!?"

"Pero ayoko ng ganitong buhay! Paano na ang magiging anak natin? Hindi ko makakayang tingnan ang anak kong paparusahan niyo Manuel. Hindi 'yon tama!"

"Pero iyon ang tama Bella. Kapag nagkasala ka ay bibigyan ka ng parusa. Isang pagdidisiplina lamang iyon."

"Pagdidisiplina? Siguro sa mga baliw na katulad ninyo pagdidisiplina ang tawag do'n pero para sa'kin isang krimen 'yon Manuel. Paano kapag may nagawa siyang mali? Puputulin niyo rin ba ang mga daliri niya katulad ng pagputol niyo kay Jerome?"

"Hindi ko magagawa sa anak natin 'yon Bella."

"Hindi ako naniniwala! Alam mo mas mabuting huwag muna tayong mag-usap. Umalis ka na Manuel."

Pagkaalis ni Manuel ay umiyak lang ako ng umiyak. Ang sakit-sakit kasi, hindi niya man lang ako kayang ipaglaban sa mga putang batas na 'yan!

Nang biglang may kumatok.

"Bella, nandiyan ka ba?" tawag ni Bea.

"Oo, Bea."

Bumukas ang pinto at nakita ko ang naluluhang si Bea, mabilis niya akong niyakap.

"Bella, I'm sorry. I'm sorry."

"Shh.. Bea. Wala kang kasalanan."

"Meron, kasi ako ang bumaril sa'yo."

"Pero hindi mo naman iyon kagustuhan kaya tama na. Tumigil ka na sa kakaiyak. Papangit ka niyan, sige ka!"

"Kasi naman eh. Bakit ka pa kasi pumunta pa rito. Kung sana mas napaniwala pa kitang nasa Indonesia kami ni Jerome, hindi sana kita mababaril."

"Ano ka ba! Gagaling din 'to."

"Bella, ano ng plano natin? Desidido talaga si Miguel na pakasalan ako."

"Hindi ko rin alam ang gagawin Bea. I'm sorry Bea, wala akong magagawa."

"Matatali na tayo sa pamilyang ito. Mabuti ka pa mahal mo si Manuel e ako, ewan ko bahala na."

"Huwag kang mag-alala matututunan mo rin sigurong mahalin si Miguel."

"Natuturuan ba ang puso, Bella? Kaya ko bang mahalin ang isang psycho? Kinikilabutan ako, ayoko Bella. Isang tanga lang ang magmamahal ng isang psycho."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon