Chapter 45: Savage

183 16 4
                                    

Dali-dali kong isinuksok ang cellphone sa boots ko at pinuntahan kung saang gawi kami huling nagkahiwalay ni Manuel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dali-dali kong isinuksok ang cellphone sa boots ko at pinuntahan kung saang gawi kami huling nagkahiwalay ni Manuel.

"Manang, may nakita po ba kayong lalaking ganito ka tangkad? Gwapo na naka-shades at naka-bullcap?"

"Oo, ineng. Ikaw ba iyong hinahanap niya? Nagtanong rin kasi siya rito."

"Saang gawi po siya pumunta?"

"Doon." Turo ni manang.

"Salamat po," pasalamat ko kay manang saka pinuntahan ito.

Hindi naman nagkamali si manang dahil natanaw ko kaagad si Manuel na parang napa-paranoid na. Nagtatanong sa tindera ng manok kaya lang parang tanga lang iyong tindera kasi ngumingiti, parang ngayon lang nakakita ng gwapo. Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan nito.

Pasimple akong pumunta sa likuran ni Manuel habang abala siya sa pagtatanong sa mga tindera sa palengke.

"May nakita po ba kayong magandang babae na may suot na asul na damit? Ganito ka tangkad, ganito ka haba ang buhok?"

Ganyan pala ako e describe ni Manuel. Hmm.. magandang babae? Carry na! Tumikhim ako para mapukaw ang atensyon nito.

"Ahem! Ako ba iyong magandang babaeng hinahanap mo pogi?" nakangiting tanong ko kay Manuel.

Dali-dali naman akong hinarap ni Manuel. "Bella! Saan ka ba nagpunta?" sigaw nito saka bigla akong niyakap.

"Akala ko ay nawala ka na. Huwag mo na uling gagawin iyon!" dagdag pa nito.

"Hindi mo kasi hinawakan ng mahigpit ang kamay ko kaya nakawala ako. Ang dami pa namang tao," sagot ko.

"Huwag kang mag-alala. Hinding-hindi ko na bibitawan ang kamay mo," saad nito saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

Napangiti naman ako sa loob ko. Nakalusot ako.

"Manuel, nasaan na ang hilaw na mangga?" tanong ko.

"Tss.. bwisit na mangga."

"Halika na asawa ko bumili na tayo," aya ko saka hinila siya. Naglalaway na talaga ako sa hilaw na mangga.

Pagkatapos bumili ay umuwi na kami.

"Kuya Manuel, bakit mo isinama si Bella sa bayan? Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtungo ng mga babae roon, baka tumakas siya."

"Huwag kang mag-alala Miguel. Nakita mo namang kasama pa ako ni Manuel kaya ibig sabihin no'n ay hindi ako tumakas," sagot ko.

Matalim akong tiningnan ni Miguel. Parang sinasabi niyang I'm watching you.

Kinagabihan ay magkayakap kaming nakahiga ni Manuel.

"Manuel."

"Hmm.."

"Gising ka pa?"

"Oo, bakit?

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon