Chapter 23: Who's the Intruders?

250 35 6
                                    

Dahan-dahan akong lumabas ng banyo at nagtungo sa taas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahan-dahan akong lumabas ng banyo at nagtungo sa taas. Tiningnan ko ang mga kwarto ng mga kaibigan ko ngunit wala sila kaya pumunta na lamang ako sa kwarto ko at nakita ang dalawa na hindi mapakali.

"Bellaaa!" sigaw ni Bea at niyakap ako.

"Mabuti na lamang at nakapag alibi ka kaagad kay Jorge kung hindi.." sabi ni Ashley ngunit sumingit agad ako.

"Wag munang ituloy basta stick to the plan. Pag-aawayin natin sila tingnan lang natin kung saan ang tibay ng pamilya nila," seryoso kong sabi.

Tumango naman sila.

"Kawawa naman ang lalaki huhuhu," naluluhang sabi ni Ashley.

"Oo nga eh! Kung may magagawa lang sana tayo," nakayukong sabi ko.

"Bella mag-iingat ka sa Jorge na yon. Iba ang kutob ko sa kanya!" Bea said.

"Oo nga parang gusto ka niya?" sang-ayon ni Ashley.

"Wag nga kayong mag-isip ng ganyan. Kayo kaya maging maganda hehe!" ngiting-pilit na sabi ko para naman gumaan-gaan ang atmosphere.

"Tsss..magsasalita pa ako e dalawang lalaki kaya ang nag-aagawan sa beauty ko," sabi ni Bea sabay flip ng buhok.

"Tss..yun lang? magsasalita pa ang diyosa? Buong galaxy kaya ang nag-aagawan sakin! Ang ganda ko talaga!" sabay tanaw sa salamin at nag pose, ayaw patalo ni Ashley.

Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Manuel na ang dilim ng mukha. Umurong naman mga dila namin.

"Ah eh sige Bella alis na kami," nauutal na sabi ni Bea.

Dali-dali naman silang umalis sa kwarto.

"Tss..anong mukha yan. Ba't parang galit ka?" matapang kong tanong.

"Nakita ko yung kanina!" madiing sabi nito.

"Alin don?" patay malisyang tanong ko.

May napansin kasi ako dito sa mga baliw na to lahat sila ang possessive.

"Wag mo kong gagalitin Bella. Lumayo ka sa Jorge na yun!" sigaw niya.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon