Chapter 43: Welcome Home

444 22 26
                                    

Manuel's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Manuel's Pov

Sinalubong agad ako nina Miguel at Bea.

"Bella! Bakit walang malay si Bella, Manuel?" bungad ni Bea.

"Hindi niya nakayanan ang lamig. Ang init niya, kailangan niyang magamot agad."

"Bella, bakit ka pa kasi pumunta pa rito," naluluhang sabi ni Bea.

"Miguel, kumuha ka ng mga halamang gamot sa likod bahay at ilaga ito at ikaw naman Bea magpakulo ka ng mainit na tubig. Kailangan ko ng maligamgam para ipunas sa kanya."

Tumalima naman ang dalawa sa mga utos ko kaya inakyat ko na sa taas si Bella.

Kumuha na rin ako ng damit sa drawer at binihisan siya. Nakita ko na naman ito tsaka asawa ko pa rin naman siya kaya may karapatan pa rin ako sa kanya.

Nakita ko ring may mga sugat siya sa katawan siguro nadali siya sa isa sa mga patibong namin. Lampa talaga.

Kalaunay dumating na sina Miguel at Bea dala ang gamot at maligamgam na tubig.

"Ako ng bahala sa kanya pwede na kayong matulog."

"Pero..." singit ni Bea.

"Halika na Bea si kuya ng bahala sa kanya," yaya ni Miguel.

Una'y ayaw pang umalis ni Bea ngunit kalaunay tumalima na rin ito kaya umalis na sila ng kwarto.

Nagsimula na akong painumin siya ng gamot. Mabuti na lamang at wala siyang malay, ang pait pa naman nitong gamot na ito. Pagkatapos nang pagpapainum ng gamot ay nagsimula na akong punasan siya sa balikat, kamay at paa saka nilagyan ng bimpo ang noo niya.

At ngayon nga'y nakatanaw ako sa isang babae na nakahiga sa kama ko habang mahimbing na natutulog.

Pasalamat siya may konting malasakit pa ako sa kanya. Ano ng gagawin ko? Magugulo na naman ang buhay ko nito.

Malalaman na naman niyang nandito sina Bea at iyong lalaki kaya maghahanap na naman siya ng paraan para makatakas.

Tatakas na naman siya. Parati kong tinatanim sa isip kong...

'Manuel, huwag ka ng umasa pa kasi una sa lahat hindi ikaw ang ipinunta ng asawa mo rito!'

Nakakainis isipin, nakakasakit ng damdamin.

Palalayain ko pa kaya siya ngayong alam kong nandito na siya sa teritoryo ko? Na nandito na siya sa tahanan niya. Sa piling ko.

Bella belong's here!
Bella belong's to me!

Pero ayoko ng umasa pa. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Nagtatalo na ang puso't isip ko.

Nang bigla siyang umungol at nagsalita na nagpaguho ng mundo ko.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon