Chapter 30: The Mission

242 27 4
                                    

Hahay may mga bagay talagang pinagtagpo ngunit hindi itinadhana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hahay may mga bagay talagang pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.
Pero anong sabi niya? Iba daw ako?

"P-Panong iba po? Kasi pinili niya ako?"

"Hindi, kasi nakaya niyang suwayin ang batas ng mga Evans ng dahil sayo."

Wait! Sinabi na ba ni Manuel na wala talagang nangyari samin nong unang araw ng kasal? Pero sabi niya batas daw eh.

"Anong batas po yun? Wala akong matandaang sinuway ni Manuel para sakin."

"Alam mo bang tayong mga asawa ay hindi pwedeng magka-anak ng babae?"

"Hmm.. Opo parang nabanggit nga po yun ni Miguel."

Parang nagsink-in naman sakin ang lahat.

"Kung ganun po sinuway ni Manuel ang batas kasi naging magkapatid sila nina Ashley at Bea?"

"Ganun na nga! Isa rin yun sa pinagtalunan namin noon ngunit pursigido si Manuel. Aakuin daw niya ang responsibilidad ng dalawa, kaya napapayag niya si Diego."

"Ganun po ba."

"Kaya sana maging mabuti ka kay Manuel. Pagsilbihan mo siya at alagaan, sa nakikita ko naman ay masaya siya sa piling mo."

Ba't ganito? Parang naguguilty tuloy ako kay Manuel. Iiwan ko na naman siya, hindi ako naging mabuting asawa sa kanya.

"Luto nato iha! Tawagin mo na yung iba."

"Ahh sige po."

Pumunta ako sa taas at isa-isang kinatok sila.

"Guys kakain na!"

Lumabas naman sila sa kani-kanilang silid. Bumaba na kami, naabutan namin ang iba sa hapagkainan.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon