Chapter 31: Liberty

258 25 1
                                    

Nakangisi ako habang naglalakad pauwi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakangisi ako habang naglalakad pauwi. Napagpasyahan kong kumuha na rin ng mga mushroom baka kasi hindi pa nakakuha si Bea. Sa ganitong pagkakataon dapat laging handa.

Nang makarating sa bahay ay pinuntahan ko agad ang likod bahay para hanapin si David at naabutang may dala itong itak. Napangisi nalang ako.

Ano kayang magiging itsura ni Stella kapag nataga siya ng itak na yan? Exciting! Hahaha.

"David! David!" sigaw ko.

"Oh Bella, nakita mo ba sila?"

"Oo ang dami nga nilang dala eh! Magpapatulong sana sila este kami sayo."

"Ganun ba? Oh sige, Lucas tulungan natin silang magbuhat."

"Nako wag na! Ang dami pa nitong isisibak niyo kaya dito nalang si Lucas," dali-daling sabi ko.

"Sabagay!" sang-ayon ni David at inilapag ang itak sa sahig.

"Alam mo David mas mabuting dalhin mo ang itak na yan."

"Ha? Bakit?"

"May nakita kasi akong leon kanina nong papauwi na ako! Mabuti nalang talaga hindi ako napansin."

"Ganun ba? Oh sige magdadala ako ng itak at dalawang dagger."

"Mas mabuti!"

Umalis na si David papunta sa dalawang traydor.

"Ella ano yun?" tanong ni Luke.

"Wag kang mag-alala Luke, hindi kana magsisibak pa ng kahoy."

"Talaga? Salamat naman, ngayon na ba tayo tatakas?"

"Mamaya, pumunta ka muna sa garage at kumuha ka ng mga pwedeng e sandata natin."

"Okay Ella," nakangiting sabi ni Luke.

Pumunta ako sa loob ng bahay at nakitang parang wala sa sarili ang dalawang ginang.

Nakita ko naman ang mga kaibigan kong nakabihis na ng pang syudad.
Naka jeans at tshirt ang dalawa kong kaibigan, si Nathalie naman ay nakashort at naka crap top.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon