Chapter 32: Finding Bella

291 29 9
                                    


Manuel's Pov

Gabi na kami natapos sa pagde-deliver ng mga karne rito sa kabilang isla nang bilang tumawag si David.

"Maa...nuel ack.." parang namimilipit sa sakit na boses ni David.

"Anong nangyayari sa iyo David? Bakit ganyan ang boses mo? May nangyari ba? Ang asawa ko, okay lang ba siya?" nangangambang tanong ko.

Iba ang kutob ko baka may nangyari ng masama sa asawa ko.

"N-Naka...takas s-sila.." hirap na boses ni David, kalaunay narinig kong parang may bumagsak.

"A-Ano? David? David? Daviiiid?" sigaw ko pero hindi na sumasagot si David imbes may narinig akong boses ng babaeng sumisigaw.

"Ahhh! Hala may saksak ka kuya! Wait lang! Wait lang! Anong gagawin ko? My gosh kuya gumising ka! Gumising ka po kuya! Tulong! Tulooong... tulungan niyo kami!" sigaw ng babae.

"Miss! Miss!" sigaw ko sa cellphone para marinig ng babae.

"Kamag-anak po ba kayo ng lalaking ito? May saksak po siya. Dadalhin ko po siya sa ospital, wait lang po tatawag ako ng tulong."

"Huwag! Hindi mo siya pwedeng dalhin sa ospital!" sigaw ko.

Ayaw namin sa lugar na iyon. Hindi kami nagpapa-ospital kasi wala kaming records at hindi kami ipinanganak sa ospital. May Birth Certificate naman kami, pinagawa ni papa pero ang rason talaga kung bakit ayaw na ayaw namin sa ospital kasi iniiwasan naming magkarecords para kasi sa mga Evans isang talunan kung ma o-ospital ka kaya kami-kami lang din ang gumagamot sa mga sarili namin.

"Nababaliw ka na ba? Mamamatay siya kung hindi siya madadala agad sa ospital! Ang lala ng pagkakasaksak sa kanya! Marami ng dugo ang nawala sa kanya!" hysterical na sigaw ng babae.

"Kung ganoon ay pwede mo bang ilagay sa record ng ospital na asawa mo siya."

"Ano? Bakit ko naman iyon gagawin?"

"Huwag ka ng magtanong pa! Sundin mo na lang ako! E text mo na lang sa akin kung saang ospital kayo!" sigaw ko bago pinutol ang tawag.

Dapat walang apelyidong Evans ang nao-ospital. Ano ba talagang nangyari? Ano kayang nangyari kay David? Si Bella ba ang sumaksak sa kanya? Napayuko na lang ako at nasapo ang noo.

Bakit Bella? Akala ko.. o-okay na.
Pero iniwan mo na naman ako!

Dahan-dahang akong napaluhod habang lumalandas ang mga luhang walang tigil na bumubuhos.

Ang sakit! Kulang pa ba? Bakit?
Sabi mo MAHAL mo ako? May Mahal bang ng iiwan? Akala ko hihintayin mo ko? Na magiging maayos ang lahat, na tatanggapin mo na ako. Ang pamilya ko at mamumuhay tayo ng masaya sa bundok kasama ang mga anak natin.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon