Chapter 4: The Training

418 74 50
                                    

Umaga pa lang ay naghahanda na'ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Umaga pa lang ay naghahanda na'ko.
Ngayon kasi ako tuturuan ni Manuel na pumana pero sa malaking papaya muna.

Oh diba hunger games lang ang peg?

Nasa gilid naman ang mga kaibigan ko na sumusuporta sa'kin.

"Go girl! Kaya mo yan!" sigaw ni Ashley.

Nabuhayan naman ako.

"Kayang-kaya niya yan! Si Bella pa ba?" pagmamayabang ni Bea.

Nakaka-motivate naman ang mga kaibigan ko.

"Hoo! Kaya ko 'to!" sabi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa malalaking papaya na nasa unahan.

Nang biglang dumating si Manuel at Miguel.

Lumapit si Manuel sa'kin at ibinigay ang pamana at palaso saka pumunta sa unahan.

"Bago tayo magsimula kailangan mo munang malaman na may tatlong tradition kang dapat sundin!"

Huminga muna ako ng malalim. Parang hindi ako prepared sa sasabihin niya.

"Una, ay ang pagpatay ng usa at ialay iyon sakin. Pwede kang manguha na ngayon kung kailan mo gusto o sa mismong araw ka manghunting dahil ang tradisyon ay dapat sa mismong araw ng kasal mo papatayin ang usa. Pangalawa, lutuin ang usa at ihandog sa buong angkan. Lutuin mong mabuti kasi dapat masarapan ang mga kamag-anak ko, lalo na ang ama ko sa handog mo."

Watdahek?

"At ang huli, ay ang makipagtalik sa unang araw ng kasal. Isang karaniwang ginagawa ng mag-asawa."

Natuod naman ako sa huling sinabi niya.

Huwaat? Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? Ano to joke? Parang ayaw mag function ng utak ko! Gusto kong himatayin. Makipagtalik as in sex? Juskopo! Ang bataan! Naloko na!

Napasinghap naman ang dalawa kong mga kaibigan.

"Hala ka! Bakit may ganyan-ganyan pa? Pwedeng skip na lang yung huli? Kakayanin ko nang pumatay ng usa basta 'wag lang yung huli. Please Manuel!" pagmamakaawa ko.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon