Chapter 6: The Evans

335 64 12
                                    

Bumaba na'ko, kasunod ko naman ang mga kaibigan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumaba na'ko, kasunod ko naman ang mga kaibigan ko. Naabutan naming nagkakasiyahan sila. Kumakain habang umiinom ng wine.
Natulala ako! As in, nga! nga!
Isa lang ang masasabi ko.

Ang gwa-gwapo nila! wala akong maipipintas sa kanila, mga anghel ba sila?

Siniko naman ako ni Bea na nagpabalik sa huwisyo ko.

Erase! Erase! Bella mga anghel lang ang mga mukha niyan ngunit mga demonyo ang mga ugali niyan!

"Ahem!"

Tikhim ko para makuha ang mga atensyon nila. Natahimik naman sila nang makita kami.

"Oh! Nandiyan na pala ang bride natin. Iha, magpakilala ka," masayang sabi ni Don Diego.

"Magandang Hapon po sa inyong lahat. Salamat po sa pagpunta sa kasal namin ni Manuel."

Tss.. gusto kong masuka sa sinabi ko. Ayoko sa kasal na'to, saka kumusta na kaya yung babae?

Nang biglang may lumapit na ginang sa'kin.

"Magandang hapon rin sayo, iha. Ang ganda mo naman. Mabango at makinis ang balat."

Nangilabot ako sa sinabi ni Manang kasi inamoy-amoy pa niya ang buhok ko at pinadausdos ang daliri niya sa balikat ko. Nanginginig ako, shit! Feeling ko tuloy papatayin niya 'ko anumang oras.

"Auntie Lucy, 'wag mo naman takutin ang asawa ko," saway ni Manuel at inakbayan ako.

"Asawa ko, siya nga pala si Auntie Lucy at ito naman ang asawa niyang si Uncle Henry at ito naman si Uncle Charles. Sina Uncle Henry at Uncle Charles ang mga kapatid ni papa," pakilala ni Manuel.

Pumunta ako sa kinaroroonan nila at nagmano.

"Kay bait na bata!" nangiting sabi ni Uncle Charles.

"At ito naman ang tatlong pinsan ko, sina Duke, Jorge at Michael."

"Hello sa inyo, salamat sa pagpunta."

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon