Chapter 46: Revolver Gun

414 25 21
                                    


Maya-maya ay naisipan ko nang bumaba para makapaghanda ng hapunan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maya-maya ay naisipan ko nang bumaba para makapaghanda ng hapunan. Nakita kong kompleto sila sa baba kasama ang umiiyak na si Bea.

"Nakita kong may dala kang baril Bella. Saan mo naman ito gagamitin?" tanong ni papa sabay lapag ng aking baril sa lamesa.

Namutla ako at napalunok sa nakita. Pinagpapawisan na ako. Lintik naman oh!

"S-Sa mga mababangis na hayop papa," nanginginig na sagot ko.

Bigla namang humalakhak si Don Diego sa sagot ko pero alam mo iyong creepy na halakhak.

"Akala ko'y para sa amin. Kung ganoon ay may ideya ako kung saan gagamitin ang mga balang ito," nakangiting sabi ni papa.

This is not good. Fear enveloped me.

"Po? Saan po, sa mga usa?"

"Hindi, Bella. Papatawan ko na nang parusa si Bea sa kanyang pagtakas," saad ni papa.

Natulala ako sa narinig. Anong gagawin nila?

"Bella, dapat mong barilin si Bea nang dalawang beses," saad ni papa.

"Ano? Ayoko papa!" mariing tanggi ko.

"Ayaw mo?"

"Ayoko po! Iba na lang papa."

"Kung ganoon ay may isa pa akong baril sa itaas, tag-iisa kayo. Tingnan natin kung sino ang matitira."

Tumayo lahat ng balahibo ko sa narinig. Magbabarilan kami ni Bea.

Tumayo na si papa at nagtungo sa taas para kunin ang baril niya.

"Papa naman. Si Bea lang ang dapat parusahan. Kasi may nakapataw nang parusa kay Bella!" sigaw ni Manuel.

"Parusa ba 'yon kuya? Parang hindi naman. Bea, barilin mo na lang agad si Bella para matapos na ang parusa mo at nang makasal na tayo."

"Ayoko. Hindi ako katulad mong demonyo!" sigaw ni Bea.

"Masasabi mo pa kaya 'yan kapag binaril ka na ni Bella? Tandaan mong mabuti, siya ang pumatay kay Isaac," nakangising saad ni Miguel.

Nanlilisik kong tiningnan si Miguel. Kayo ang demonyo! Nagawa ko lang naman 'yon para iligtas si Manuel. Bwisit!

"Kung ikaw kaya ang barilin ko Miguel."

"Subukan mo lang Bella nang hindi ka na sikatan pa ng araw," ngisi ni Miguel.

"Subukan mong galawin ang asawa ko Miguel. Ako mismo ang papatay sa'yo," singit ni Manuel.

Natuwa ako nang pinagtanggol ako ni Manuel sa kapatid niya.

"Makakaya mo akong saktan ng dahil sa babaeng 'yan? You deserve much better kuya!" saad ni Miguel.

"Tumahimik ka Miguel."

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon