Chapter 17: The Chosen

263 51 7
                                    

Miguel's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Miguel's Pov

Hindi ko alam kung ano itong nadarama ko ngunit una palang ay siya na ang nakapukaw ng atensyon ko, ayaw ko siyang mawala. Alam kong hindi halata kasi pinipigilan ko ang aking damdamin sa kadahilanang magkapatid kami pero ngayon na binabawi na ni papa ang kanyang desisyon kaya pwede na! Pwede ko na siyang maging asawa! Pwede na kitang maging asawa Bea Armenion.

Ang saya lang! Haha..

"Hindi pwedeng patayin si Bea kasi siya ang pinipili kong maging asawa ko at maging ina ng mga anak ko." buong sabi ko.

"Anooooo? Gusto mo si B-Bea?" pagkagulat na tanong ni Ashley.

"Tss.. Iba nalang bro! Katayin nalang natin siya," tutol ni Jorge.

"Oo nga Miguel, nilason na ang isip mo ng babaeng yun kaya huwag mo siyang piliin!" galit na sabi Auntie Lucy.

"Pa-Knight in shining armor. Nalason na kayong magpipinsan ng tatlong babae na yan," sabi ni Stella.

"Eh kung ikaw kaya ang lasunin ko! Gusto mo?" Sarkastikong sabi ni Ashley.

"Tss tingnan lang natin kung makaabot ka ng isang buwan kay Duke ahahaha," nakangising sabi ni Stella.

"Tama na yan Stella!" Sabi Auntie Claire.

"Sigurado kana ba sa desisyon mo anak?" Tanong ni papa.

"Opo papa! Buo na po ang desisyon ko!" Buong sabi ko.

Okay na sana nang magsalita si Matthew na nagpakunot ng noo ko.

"Pinipili ko rin si Bea na maging kabiyak ko sa panghabangbuhay!" Sabat ni Matthew na nagpanganga sa lahat.

"Wow! Haba ng hair ng bestfriend ko may dalawang prince charming na pumili sa kanya!" Nakangising sabi ni Ashley.

BESTFRIEND eh hinayaan mo ngang pagsasampalin sila ni Duke. Tsk! may araw ka din sakin Duke!

"Ano ba yang pinagsasasabi mo anak? Hindi ko siya matatanggap!" Hysterical na sabi ni Auntie Lucy.

Yan nga Auntie Lucy wag kang sumang-ayon!

"Wala ka ng magagawa ina. Nakapili na ako," buong sabi Matthew na nagpakuyom ng kamao ko.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon